CHAPTER 2: Dice

497 14 2
                                    

“DICE?”

Buong kapal ng mukha na sumaludo ito sa kanya. “Yours truly.”

Halos hindi niya ito makilala. Eto na pala ang taong ayaw niyang makita sa buong buhay niya. O kahit sa impyerno.

“K.” Iyon lang at tumalikod na siya para umalis na sa lugar na ‘yun. Nang bigla itong magsalita ulit.

“Akala ko ba babanatan mo pa si Miss Pretty?”

Humarap siya ulit sa lalaki. “Nagbago na ang isip ko. Besides, ayoko nang pumatol sa mga cheap-ips na ‘yan.”

Papalag pa sana ang tinutukoy niyang babae pero pinigilan ito ni Dice.

Kung sakaling makalapit ang babaeng ‘to sa kanya, makakatikim talaga ito. Eh paano nga? Nakialam ang hudyo.

Iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiihhh! Sarap talagang pektusan ng demonyong ‘to!

He grinned with full of devilish arrogant. “Why the sudden change? Dahil ba sa nakita mo ulit ang kagwapuhan ko?”

Halos matumba siya sa lakas ng hangin ng kaharap.

Gago! Hindi na talaga magbabago.’tong hayop na ‘to.

“Hindi eh. And sad to say, hindi ka gwapo. Mabaho ka.”

“Uy! Paninirang-puri ‘yan ah! In fact, kaliligo ko lang. Amuyin mo pa kung gusto mo.” Akmang ididikit nito ang kilikili nito sa mukha niya ng tinawag na niya ang security guard na umaaligid malapit sa kanila.

“Manong Guard! May manyakis ho rito!”

“O! Nagi-iskandalo na naman. Hindi ka pa rin talaga nagbabago.” Umiling-iling pa ang mokong. Pagkatapos ay tumingin ito sa direksyon ng mga kaibigan niya. “Hi, girls!”

“Hello!” sabay-sabay na tugon ng anim.

Umirap naman siya dito.

“Miss Pretty, pagpasensiyahan mo na ‘tong ex-girlfriend ko ha? Ganyan talaga ‘yan kapag nasa paligid ako. Nagpapasikat. Baka umaasa pang babalikan ko pa siya.” Walang atubiling pagyayabang nito. Sabay pa-cute sa babae.

Wow!

Narinig niyang nagtawanan ang mga kaibigan niya. Peste! Hindi man lang ba siya tutulungan ng mga bruhang ‘to? Bugbug-sarado na siya sa kahanginan ng lalaking kaharap niya. Pati na rin sa baho ng cheer captain ng school.

“Hmp. Sige na nga. For you.” Sabi ng babae. Tinangnan pa siya nito ng masama.

Tinaas naman niya ang kanyang isang kilay.

“Hmp. Let’s go, guys! Thank you, handsome.” Baling nito kay Dice.

Wala na ang kaaway kaya aalis na rin siya. Tsk. Hindi man lang siya nakasuntok sa babaeng ‘yun.

Dali-daling lumapit siya sa mga kaibigan para umuwi na.

“Hey, Ex!”

“Don’t call me that, you asshole!”

Nakakainis din ‘tong bruhong ‘to eh no? Ang lakas ng loob na makipag-usap sa’kin. Feeling close. Takteeeeeeeeeeeeeeeeeee!

“It’s really nice to see you again.”

Her middle finger answered him.

Tumawa naman ito. “Wanna grab lunch.”

“Lunch with your face.” Iyon lang at nauna na siyang maglakad.

Her six friends followed her.

“Bye, girls!”

“Bye!”

WHO'S THAT WHORE IN JERSEY 24? (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon