CHAPTER 15: French fries for Dice.

226 7 4
                                    

“KUMAIN muna tayo.”

“Hindi ako nagugutom. Ikaw na lang. Kailangan kong makabalik agad sa bahay habang maaga pa para makaiwas sa traffic.”

“Come on! I insist.”

“Ulol. May kasama ako.”

“Sino?”                       

“Si Theo.”

He shrugged. “Don’t care. Who is he?”

“None of your business.”

“Suplada.”

She smirked. “Kumain ka na lang. Hindi talaga ako nagugutom.”

“Kung ganoon, samahan mo na lang akong kumain. Hindi ako natutunawan kapag wala akong kasamang kumain.”

“Ano iyan? Bagong pauso mo na naman?”

Ngisi lang ang isinagot nito saka siya inalalayan patungo sa kabilang floor kung saan naroon ang hilera ng fat-este-fast-food chains. Ito na rin ang may dala ng dalawang paper bags ng pinamili niya. Tinatanggap din nito ang lahat ng mga panlalait, pang-iinsulto at pang-aasar niya. Idagdag pa ang harap-harapan pagnunukso niya dito.

“No way. I still want you back.”

Manliligaw ba ito? Oh! Really? Really? Super really? O trip lang ito ng bruho. Aray. Huwaw! Maka-aray? Umaasa ba siya? Syet. Kagagahan lang ito.

Hanga na talaga siya sa tapang at lakas ng loob nito dahil sa nagagawa pa rin nitong pakisamahan siya na tila ba walang ano mang nangyaring tensiyon sa pagitan nila kanina.

“Nasa’n na ‘yung kasama mo?” tanong nito habang nilalantakan ang mga in-order na pagkain. “Sarap!” pang-aakit nito sa kanya.

“Malay ko! Hindi ako hanapan ng nawawalang gwapo.”

“Talaga? Gwapo ‘yon?”

“Oo naman!”

“Mas gwapo sa akin?”

“Pwet ka lang.”

Nagkibit-balikat lang ito at bumalik sa pagkain. “Ah.”

“Ikaw, nandito ka lang ba para sundan ako?”

He cocks an eyebrow at me, his interest clearly piqued. “Oo.”

Tumawa siya at nakisakay sa sagot nito. “Wala ka talagang balak na tantanan ako, ano?”

“Depende.”

“Depende saan?”

“Kung may asawa ka na. Siyempre, titigilan na kita.”

“Asawa? Agad agad? Eh paano kung may boyfriend na ako?”

“Wala akong pakialam sa magiging boyfriend mo. Ipa-salvage ko pa siya.”

Napasinghap siya.

“Joke lang.” Bawi nito.

“Puro ka kalokohan. Kaya walang sumeseryoso sa iyo, eh.”

“Ikaw lang ang hindi sumeseryoso sa akin. Ewan ko ba naman kung ano’ng problema mo.”

“Ikaw ang problema ko.”

Ngumiti ito ng peke.

Umirap naman siya.

Tumayo ang lalaki at pumunta sa counter. “O, ikaw diyan.”

“Huh?” Sa pagkakalingon nito sa kanya, daig pa niya ang nakakita ng artista. Kunsabagay, gwapo naman talaga ito. Matangkad, makisig, matalino pero tamad lang at nasisiraan na siya ng bait dahil pinupuri niya ang kumag na ito.

WHO'S THAT WHORE IN JERSEY 24? (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon