“GIVE ME an M!”
“M!”
“Give me a C!”
“C!”
“Give me a G!”
“G!”
“Give me an O!”
“O!”
“Give me a V!”
“V!”
“Give me an E!”
“E!”
“Give me an R!”
“R!”
“Give me an N!”
“N!”
“McGovern… yeah!”
Peste!
Napamura sa loob-loob niya si Rayleigh.
Ang gulo na nga sa campus, ang iingay pa ng mga cheer dancers ng school nila. Excited yata ang squad. At sa sobrang excitement ng mga ito, nabubulahaw na ang mga estudyante at ang enrollment for the second semester ng McGovern College. Sad to say, lalo na ang tenga niya. Sobrang sensitive pa naman niya sa ingay.
Kasalukuyan siyang nakaupo sa damuhan sa ilalim ng punong─ uh? Ewan. Ang lugar na iyon ang madalas niyang tambayan kasama ang anim niyang tropa. ‘Uh’ ulit. Wait lang. Correction. Mga malalanding tropa. Zealan, Cazzy, Jhunna, Violet, Kara and Agatha. Hinihintay niya ang mga ito para sabay-sabay na silang mag-enroll. They were all varsity players of the school except for Cazzy, Jhunna and Kara.
Maaga siyang hinatid ng kuya niya kaya maaga din siyang nagpainit ng puwet sa tambayan nilang pito. Buti na lang at hindi pa masyadong namumuti ang mata niya. Ang problema nga lang, sumasakit ang tenga niya kanina pa.
Maya-maya’y biglang sumulpot si Violet sa harap niya. Na kung hindi lang ito nakasuot ng I.D, eh, baka iisipin na ng mga faculties na may nakapasok na prostitute sa loob ng eskwelahan nila. Halos lumuwa na kasi ang kaluluwa nito sa ikli ng skirt na sinuot ng kaibigan. Malandi din siyang kagaya ng mga barkada niya pero hindi siya nagsusuot ng mga damit na lalong ikakababa ng pride niya. And of course, pati ng pamilya niya.
She’s a daughter of politicians. The more her parents love politics, the more she hates them. Wala na kasing time ang mga ito sa kanila. Kaya nga siya naging black sheep ng angkan. She hates people. Buti na lang mga hayop itong mga kaibigan niya kaya hindi siya nag-iisa.
At buti na lang allowed ang mga estudyanteng magsuot ng mga ganitong ka-etchosan gaya ng kay Violet sa loob ng campus. Kasi kung hindi, baka siya na mismo ang kumaladkad sa kaibigan palabas ng gate. She would drag her by the hair. Or worst, baka hubaran niya pa ito sa harap ng mga tao. Siya kasi ‘yung malanding conservative.
Huh?
“O. Mukhang semana santa yata ang peg ng itsura mo ngayon.” Maarteng puna ni Violet sa kanya.
“Saan ka ba galling?”
Sumagot ito ng pilosopo. “Sa puso mo.”
“Pektusan kita. Gusto mo?”
Tumawa naman ito. “Kalma lang. Wala pa ba ‘yung lima?” tanong nito.
“Nakikita mo ba sila dito?”
Humalakhak ito. Halakhak ng isang pokpok. “Ba’t ba high blood ka?”
Hindi na siya sumagot.

BINABASA MO ANG
WHO'S THAT WHORE IN JERSEY 24? (On-Hold)
Teen FictionTHIS IS NOT X-Rated. She's a bully. She's bad. She's a bitch. Kaya kung naghahanap ka ng babaeng perpekto, swak na swak ang pinipilahan mo. Siya lang naman kasi ang magtuturo sa'yo ng shortcut papuntang impyerno. Spell 'Whore'. R-A-Y-L-E-I-G-H. Her...