CHAPTER 14: 80 of 80.

211 6 4
                                    

RAYLEIGH marked a check on Novermber 24th. It’s her birthday at malapit na ang araw na iyon. Well, tatanda na naman siya ng isang taon. Nakakainis! Sana may time machine siya. Naku. Gusto niya, five years old pa lang siya. Kasi sa edad niyang iyon, sobrang maalaga pa ng parents niya. Tsaka mabait pa siya noon. Lalo na kapag tulog. ‘Yung tipong Mommy niya pa ang gigising sa kanya para pumasok sa school.

Natatandaan niya pa noon, kahit limang taon pa lang siya ayaw niyang magpahatid sa mga magulang. Kasi sabi niya kaya niyang maglakad papuntang school. Malapit lang kasi ito sa bahay nila noon. Walking distance lang. Ang ginagawa niya, dire-diretso lang siyang naglalakad. Hanggang pag-uwi ganoon ‘yung ginagawa niya. Nakakauwi naman siya. Sa awa ng Nasa Itaas, wala namang nangyari sa kanya.

But that was thirteen years ago. Ngayon, baliktad na ang nangyayari. Lagi na lang siya ang pinag-iinitan ng mga ito. That’s life. Wala tayong magagawa.

She sighed.                               

“Ang lalim no’n ha.”

She pouted petulantly. “Nage-emote ako. Anobey!” sabi niya kay Theo na kasalukuyang nilalantakan ang pizza sa food court ng mall na pinuntahan nila.

“Sus. Ikaw? Nage-emote? This is news.” He smiled teasing her.

Pinalo niya ito sa balikat. “Tumahimik ka. Kumain ka na lang. Libre ko ‘yan eh.”

“Kailangan bang ipamukha, Baby Girl?”

She nodded. “Oo naman.” Aniya sabay tawa.

“So anong ‘yung ine-emote mo?”

“Ba’t kaya ang ganda-ganda ko?” she joked then giggled.

“Nice sound.”

She giggled once more.

“Really. Really. Nice sound.” He gently teased her.

“Pektusan kita sa ulo gusto mo?”

Tumawa naman ito. “Pwede rin.”

“A─” magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya sa bulsa.

Somebody sent her a message. Sino naman kaya ito?

*tita simang, wer r u?*

Napakunot ang noo niya. Seryoso ba ‘tong bruhang ‘to? Ngayon lang yata nagka-interes magtanong ng mga gala lists niya ang pamangkin. Usually, they don’t care wherever she go during weekend. She hit reply. She typed the place then press send.

 “Halika ka na nga.”

“Where?”

“Shopping tayo.”

Napakunot ang noo ni Theo. “You hate shopping.”

She grinned widely.

Ano naman ang masama kung susubukan niyang mag-shopping ngayon? Isa pa, anong gagawin nila dito sa mall eh ang liit lang naman ito kaya wala masayang gawin. At nandito na rin naman sila, mabuti pang bumili ng sapatos. Malapit na siyang magsawa sa rubber shoes niya ngayon. Ano kaya ang maganda? Boots? Ahaha! Pwidi.

“Baby Girl, sa men’s accessories lang ako.” Paalam sa kanya ni Theo.

Tumawa siya. “Siyempre. Alangan namang, makipili ka sa’kin dito.”

“Good point.” Iyon nga at humiwalay na ito sa kanya.

HALOS mabulunan si Rayleigh sa kinakaing sunflower seed habang nakikitang naglalakad palapit sa kanya si Dice. Napapamalik-mata ba siya? Shunga?

WHO'S THAT WHORE IN JERSEY 24? (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon