“FINISH?”
“Not yet, Ma’am!” halos magkasabay silang magsalita ni Dice. Kaklase niya kasi ito sa pang-sabado. Literature. Ang problema, ngayon lang siya pumasok simula noong pasukan. Well, papel. First meeting lang siya pumasok kaya ngayong sinipag siyang um-attend ng klase, tsumamba pang may fifteen items quiz. Eh wala naman siyang kaalam-alam sa mga pinag-aralan ng mga ito. Buti na lang at may stock knowledge siya. Ang ginagawa niya, binabasa niya ng maigi ‘yung question tsaka niya ibabagay sa choices sa baba. Jackpot pa sila kasi ‘multiple chance’ ang type ng quiz. Letse o! Eenie meenie na nga lang. Kung kailan nasa mood silang pumasok tsaka pa na-timing-an ‘tong taenang pagsusulit na ito. Tae! Si Dice, pangatlong beses pa lang daw pumasok sa subject na ito. O eh di nganga na lang sila.
“Okay. You still have thirty-minutes para sagutan ang mga questions sa questionnaire. Understand?”
“Ma’am! Bakit gano’n?” angal ni Rayleigh.
“Rules are rules, Miss Mordano.”
Rules mo puwet mo!
Kinalabit siya ni Dice. Dahil nga bulakbol din itong gaya niya, wala rin itong alam sa mga tanong. Magkatabi sila dahil hindi sila nasama sa pag-arrange ng seat plan dahil nga sa sobrang sipag nila. “Tapos ka na?” pabulong na tanong nito.
“Abnoy. Syempre hindi pa. Maghintay pa tayo. Mamaya may darating ‘yan.”
Sinutsot na ‘yung kaklase niyang mataba. Classmate niya rin ang babae sa ibang subjects niya. Actually, suki na ito sa pagiging bully niya. Lagi itong umiiyak sa kanya kapag nagpatri-trip-an niya ito. Wala naman itong magawa kasi pinapakopya niya ito sa Math. Mabait naman siya eh. “Mijares!” tawag niya sa apelyido nito.
Lumingon ang babae sa kanya.
“Number four, nine, eleven, fourteen tsaka fifteen?” tanong niya sa pamamagitan ng senyas.
Sumenyas din naman ng sagot ang kaklase.
Kinindatan niya lang ang matabang dalaga pagkatapos makuha ang mga sagot sa mga numbers na sinabi niya.
“Hola!”
Kinalabit siya ni Dice. “Pahingi ng sagot, Ex.”
“Ayoko!” she stucked out her tongue.
Walang paalam na kinuha nito ang papel niya.
“Ay bastos. Putik! Gandang galaw ka ah.”
Hindi siya pinansin ni Dice. Abala na ito sa pagbilog sa bawat letra ng sagot sa papel nito. Adik lang. Wala talaga itong sagot kahit isa.
“Sure ba ‘to?” tanong ng mokong.
“Ikaw na nga ‘yung nangongopya aangal ka pa. Kopyahin mo na lang, gago.”
“Rutherford, Mordano. ‘Wag naman masyadong magpahalata kapag nagkokopyahan ha?” mabait naman kasi ang professor nila dito. Tsaka mukhang crush si Dice kaya hindi masyadong terror. Wow ha.
“Yes, Ma’am!” sabay na naman na sagot nila. Pang-asar talaga.
At dahil tapos na siya, binuksan niya ang iPod at pumili ng pwedeng pakinggan habang hindi pa tapos ang iba.
“Kiss me again.”
Nagtaas siya ng kilay sa katabi. “Huh?”
“Thought you’re choosing something to listen to? I saw ‘Kiss Me Again’ on your playlist.” Dice explained.
“Know what? Pakialamero ka.”
He chuckled. “I know. And I’m enjoying it.”
“Back off.”

BINABASA MO ANG
WHO'S THAT WHORE IN JERSEY 24? (On-Hold)
Teen FictionTHIS IS NOT X-Rated. She's a bully. She's bad. She's a bitch. Kaya kung naghahanap ka ng babaeng perpekto, swak na swak ang pinipilahan mo. Siya lang naman kasi ang magtuturo sa'yo ng shortcut papuntang impyerno. Spell 'Whore'. R-A-Y-L-E-I-G-H. Her...