CHAPTER 17: Worst Ex.

142 6 1
                                    

“WHAT THE FUCK?!”

“Ano bang pinuputok ng butsi mo?”

He brushed his hair using his hand. “She wasn’t supposed to be here.”

“Whatever. Gora na. Pinuntahan ka niya dito. Matuto kang mag-entertain ng bisita.”

Tumingin si Dice kay Rayleigh. “Oh come on. Nandito siya para guluhin na naman ako.”

She ignored him. “Una na ako sa gym. Nandoon na sina Vi.”

“Hey, Ray!”

Tumayo siya dala ang gamit at nagsimula nang maglakad.

“Rayleigh, please.” Narinig niyang tawag ulit ng lalaki.

Maya-maya ay naramdaman na niyang may humawak ng braso niya. Tiningnan niya ito ng masama. “Tangina naman, Dice! Huwag na huwag mo akong lalandiin kung putang-inang may relasyon pa kayo ng babaeng ‘yan!”

“I swear to God hindi ko ini-expect ang pagdating niya dito.”

“Kayo pa ba?”

“For me—“

“Shit, Dice! For you!” Magwa-walk out na sana siya ng biglang humarang ang hudyo sa harapan niya. “Back off.” Kalmado niyang sabi.

“We need to talk.”

“No.”

“Please.”

“Hindi naman tayo, di ba?”

Nakita kung paano naging blangko ang ekspresyon sa mukha ng lalaking kaharap.

Wala na siyang nagawa kundi panindigan ang nauna siya tinuran. “Ba’t ka pa magpapagod mag-explain. Hindi tayo. Noon lang ‘yon.”

Yumuko ito. “So, ano ‘yung kanina?”

She didn’t answer his question. “Puntahan mo na si Amber. Mukhang miss na miss ka na ng babae mo.”

Aalis na sana siya ng may nakalimutan siyang sabihin. “Salamat at inamin mo agad.”

Iyon lang at tuluyan na niyang iniwan ang natigilang kausap.

Bad trip! Waaaaaaaaaaaaaaa! Hindi pa rin pala nagbabago si Dice. Tanga niya naman. Kung tutuusin may kalandian din naman siyang pinairal. Nakakainis!

“For me—“

Shit! Anong palusot ‘yon? Wala na ito at si Amber para dito? Gago pa itong lalaki ‘to eh. Uutuin pa ba siya? She wondered siguro simula’t sapul talagang nilalandi lang siya ni Dice kasi wala si Amber. Mga lalaki nga naman. Lahatin na kung lahatin. Bad trip!

Naalala niya ang nakakarinding kissing scene ng dalawa. Yuck!

Magsama sila! Mga pangit!

Hindi niya alam kung dapat siyang masaktan. Wait. Magsaktan? Big word yata ‘yon. well, maybe disappointed. A little bit. Mabuti na lamang sa awa ni Kupido, medyo na-warning-an siya ng konti. Konti. Tae. Pucha.

Dire-diretso siyang naglakad patungong gym.

“Hi, bruha!”

Hindi siya sumagot.

Nagsalita si Violet. “Wow, snob ka na ngayon? Maganda ka?”

“K.”

“Pota. May problema ba?” si Zealan iyon.

“Dice is a dick. Period.” Tugon niya.

Kumunot naman ang noo ni Agatha. “Gago ‘yang si Dice ah.”

WHO'S THAT WHORE IN JERSEY 24? (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon