Chapter 2

260 12 1
                                    

Ilang taon na ba? One year? Two years? Three years? Pakshet. Taon na pala ang ginugol ko sa pagpapakatanga kay Prince.

Pagpapakatangang nagdudulot din ng saya sa akin.

Bakit ba kasi hindi napipigilan ang pagmamahal? Bakit hindi napipili kung sinong mamahalin?

Ako kaya, mamahalin niya din ba ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya?

Malamang not! Bakit? S-T-R-A-I-G-H-T ang bespren mo Jiro, wag shunga!

At isa pa, may balakid na sobrang ganda. Sobrang laki. Sobrang taas. And speaking of, palakad na siya sa direksyon ng kinauupan ko.

Ang ganda ni Agatha. Hindi typical na ganda na dini-describe ng libro. Yung beauty niya mix ng evilish and angelic genes. At first glance aakalain mong masusungitan ka pag nilapitan mo pero hindi. Sobrang bait.

With a stance of a model, di mo aakalaing basketball ang hilig na sport. Pang-brusko. Wala pang arte ng sobra sa katawan. Reasons, siguro, kung bakit siya nagustuhan ni Prince.

"Hi Jiro." Gulat ko sa bigla niyang appearance sa harap ko.

Tulala ako. Di ordinaryo ang ganda. Nakakamatay. Nakakapatay.

"Oh, hello Agatha. Kamusta? Di ata kita nakita nung first day ng class?" Me, trying to stir a conversation. Trying hard.

"Yeah. Kakauwi ko lang kahapon from vacation. Medyo napasarap e. Sobrang enjoy sa South Korea. You know, K-Pop." She ended with a peace sign.

I reciprocated the peace sign then burst a small giggle. "Wala ka pang class?"

"Wala pa. Break time. Wait, anong oras next subject niyo? And..." May sinuyod ang mga mata niya sa paligid. "...si Prince?"

Nabigla ako sa pagtatanong ni Agatha. But I guess I shouldn't be. They haven't spoke to each other sa mahabang panahon. Strange din sa akin kasi ngayon lang ulit kami nagka-usap then itatanong niya kung nasaan si Prince.

"Uhm, hindi-"

I was cut off by the person she just mentioned. "Bes."

Lumingon si Agatha sa kanyang likuran. Sakto sa kanyang paglingon ay dun nakatyo si Prince. And me? I was gasping for air. I don't know. I feel awkward amd at the same gusto kong tumayo at lagyan ng blind fold ang mga mata nila para di magtagpo ang kanilang mga tingin.

Pero ano bang magagawa ko.

"Hi Prince." She waived at him.

"Agatha." Tumango si Prince. "Sorry, mukhang may malalim kayong pinag-uusapan."

"No, actually kamustahan lang. Then I was just explaining to Jiro why I was absent on the first day."

When You Say Nothing At All (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon