Chapter 10

225 11 3
                                    

I can't help but notice Jiro. Ilang beses na niyang ginawang salamin ang iPhone ko. Nakakatuwa na nakakatawa, ang conscious niya ngayon sa hitsura niya. Kahit naman na akong gawin niya, maganda, este pogi na talaga siya.

"Baka mabasag na ng pagmumukha mo yang phone ko." Biro ko sa kanya.

"Ano ba, wag mo nga akong pansinin. Mag-drive ka na lang." Patuloy niyang pag-ayos ng kanyang buhok.

"Masyado ka ng pogi. Mamaya lapain ka na ng ibang bisita sa kagwapuhan mo."

"Palibahasa kasi ikaw kahit basahan isuot mo ayos pa din, eh ako? Tsaka hindi naman basta-bastang birthday party pupuntahan natin. Debut ni Agatha, okay?"

"Technically it's not her debut. 19 na siya."

"Post-debut is more appropriate."

"Hindi din. Debut lang yung theme."

"Whatever Prince." He rolled his eyes at me. "Gosh ang pangit ko ata."

"Yan ka Jiro. Masyado mong ina-underestimate appearance mo. Bes ko di mo ba alam na cute ka?" Oh fck. That sounded so gay.

"Mukha mo Borromeo. Wag mo nga akong inuuto. Agh! Bakit ba ayaw mong sumunod?" Frustrated na siya sa ilang hibla ng kanyang buhok na ayaw sumunod sa paghawi niya. Nakakatuwa talagang panoorin si Jiro.

After ng mga 45 minutes narating din namin ang bahay nina Agatha. "Ready?" Tanong ko kay Jiro nag-last check ng hitsura niya at tumangi pagtapos.

Bumaba na din si Jiro bitbit ang regalo naming ukulele para kay Agatha. Suggestion ni Jiro na hati na lang kami para dito. Makikita ko na naman siya. Well, masaya akong  natuloy na ang debut niya. Last year hindi siya nakapag-celebrate. Nagkaroon kasi ng problema ang pamilya ni Agatha. Apat na araw before ng debut niya bigla na lang sumama sa isang Korean businessman ang mommy niya. Sobrang na-depressed ang dad ni Agatha. Syempre ganun din siya. I remember, I brought her her favorite matcha green tea cake at sangkatutak na french fries. Then I danced with her. I can clearly remember how she cried on my chest. At that time, feeling ko ako ang Superman niya.

But that was before.

"Woah."

Yun na lang ang tangi kong nasambit. Grabe. Hindi ko pa nakikita na ganito ka-pogi ang best friend ko. Blue coat, white na polo, khaki skinny and a top-sider - sinong mag-aakalang madadampian ng sibilisasyon si Jiro. Hahaha. Biro lang.

"Anong whoa? Mukha ba akong nakakagulat?"

"No Bes, hindi. You look... amazing."

"A-a-amazing?"

Di ko mawari kung bakit ganito ang nakikita ko sa aking harap. Gwapo, maamo, presentable. Parang na-focus vision ko sa mukha niya. Undeniably, Jiro is one sight worthy. Dafuq Prince.

When You Say Nothing At All (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon