Chapter 4

206 10 0
                                    

Shocks. Nawawalan ako ng sense of date and day. Akala ko Wednesday pa lang. Thursday na pala. Buti na lang afternoon pa class ko kung hindi super duper late na ako. Napasarap ako sa pagtulog. Paanong hindi e si Prince ang last kong kausap kagabi.

As usual, alam niyo na. Hinarot na naman niya ako sa phone. Harot na pinagtripan, ganun. Tinatawag niya akong 'BABE' habang magaka-usap kami. Kahit anong pagalit ko di naman nakinig, nang-inis lang. Pero di ko itatanggi, kinilig ako kagabi.

Magpanggap ba namang girlfriend ako. Tunog hopia ako ngayon, pero sorry. Bading lang. Kilig na kilig.

Pagpasok ko sa room ay nadatnan kong nakadungo si Prince sa arm rest. Tulog. Dahil malakas trip ko ay ginising ko siya. Sa paanong paraan? Nilusot ko yung daliri ko sa manggas ng shirt niya. Pinasok ko sa kili-kili. Haha.

"Yan ang napala mo sa pangpupuyat sa akin." Sabi ng utak ko.

Unti-unti kong ginalaw-galaw ang daliri ko nakatusok na sa kili-kili niya. Pakshet. Oo, mabuhok. Eh ano? Lalaki. Pero hindi yun e. I feel like I'm violating my best friends privacy. May malisya sa akin 'tong pagsundot ko sa kili-kili niya. I don't know! BASTAAAA!

"WHAT THE -" Biglang nagising si Prince at ang lala ng reaksyon. Halos lumipad ang upuang nasa harap niya sa sobrang pagkakiliti.

Napaatras naman ako. "Ang OA naman Bes." Tumawa ako ng malakas.

"Ano ba? Bakit kailangan mo akong kilitiin? Sa kili-kili pa!" Reklamo niya.

Natawa din yung ibang nakakita. Ang cute lang ni Prince.

"Sareh." Inamoy ko ang diliri ko pinandutdot sa arm pit niya. Pakshet ulit. Ang bango. Ang... sensual.

"Jiro." Hinawi niya ang kamay ko palayo ng aking mukha. But it's too late. Nalanghap ko na ang aroma niya. Amoy chocolate. "Ayoko  ngang inaamoy kili-kili ko ng iba."

Tunog pikon na ang boses ni Prince. Hinila ko ang upuang nasa harap niya at umupo. "Ito naman. Binibiro ka lang e. Ganti ko lang yan sa pangpupuyat mo. Sorry." Pinisil ko ilong niya. Pero he just rolled his eyes at umiwas ng tingin.

"Tampo-tampo blues PJ? Di bagay." Kurot ko naman sa kanyang pisngi.

"Don't call me PJ."

"PJ, my PJ." Pagbibiro ko.

"I'm not yours."

BOOM! Yan na Jiro! Nasopla ka ni Prince! Taena. Ang sakit nun ha. Bakit ko naman kasi nasabi yung 'MY PJ." Saan ba nanggaling yun? Yung sagot niya, alam kong iba ang pinatutungkulan niya dun, biro ganun. Pero may ibang tama sa akin.

I'm not yours.

Natigilan ako. Tumigil ako. Tama naman siya. Di siya sa akin. Hindi siya para sa akin.

Imbes na suyuin pa siya ay dumerecho ako sa aking silya. Pagkaupo kinuha ko ang aking cellphone at pinasak ang aking headset. Nilabas ko ang libro ng isa naming subject at nagbasa na lang.

When You Say Nothing At All (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon