Chapter 14

134 8 1
                                    

Naka-ilang bulletin board na ako kakadikit ng announcement para sa upcoming audition ng Vox Maximus sa makalawa. Sobrang nangangailangan na kasi kami ng bagong members, lalo na ng lalaki.

Di ko namalayan, sa pag-atras ko para i-check kung derecho ba ang pagdikit ko ng poster ay may nabangga akong estudyante.

"What the fu-" Reklamo ng isang lalaking naka-uniform ng pang-Tourism. Ah, Tuesday nga pala ngayon kaya kulay pink na long sleeves with perfectly fit gray vest and matching gray slacks ang suot niya.

"Oh my gosh, sorry!"

Bigla akong nag-alala dahil natapon sa kanyang uniform ang iniinom niyang shake! Sa komosyon na nilikha namin parang mga giraffe yung ibang estudyante sa pakikiusyoso sa nangyari.

"Now what? Nadumihan na uniform ko!" Galit niyang sabi.

Agad kong binunot ang panyo ko upang punasan ang natapong shake. "Sorry, sorry. Di ko talaga nakita! Oh my gosh, sorry talaga."

Sinipat ko ang mukha niya. Para namang lumuwa ang mata ko sa galak dahil sa kagwapuhan niya. Perfect ang uniform niya sa kanya. Dominique Roque ang fez! Para akong matutunaw sa tindi ng titig niya sa akin. Imbes na matakot ay para akong nag-fangirl. Behave Jiro! May boyfriend ka na!

"Sorry!? As if naman malilinis ng sorry mo itong mantsa. Ang careless mo kasi e."

"Masyado naman 'to. Nag-apologize na nga. Di ko ginustong mabangga't matapunan ka ng iniinom mo. Tsaka bakit ako lang ang tatanggap ng sisi ha? Kasalanan mo din. Dapat tiningnan mo kung saan ka na papunta. Eh paano kung sa pader ka bumangga e di tinawanan ka pa ng iba? Pasalamat ka..."

"Non sense. That doesn't change the fact na nadumihan uniform ko. Fuck. I have classes pa."

"Pwedeng wag kang magmura? Cursing won't make your vest clean. Hubad."

Muntik ko ng saluhin ang panga niya dahil sa sinabi ko. Gusto ko sanang matawa pero I need to keep my composure.

"Hubad? Aba bastos 'to a. Are you gay?" Tawa niya.

"Excuse me Mr. Tourism student, walang kinalaman ang sexual orientation ko sa pagresolve ng problema mo. At isa pa wag kang feeler. Di ka kagwapuhan para pagnasaan." You're a liar Jiro! Liar! "Kaya hubarin mo na yang vest mo. Lilinisin ko."

"Di mo pwedeng labhan 'tong vest ko. May class pa ako mamayang 7!"

"Wag kang OA. Wala akong balak na maging labandera. Bilisan mo na bago pa magbago isip ko."

Pagtapos ng paliwanagan naming dalawa ay sumunod din si MR. TOURISM STUDENT. Tae, ang landi ko! Ang pogi niya e! Nakaka-konsensiya kasi nagtataksil ako kay Prince sa isip! Sorry Bes ko! This is purely unintentional naman!

Pumasok ako ng male CR at binasa ang aking panyo. Pinunas ko ito sa parteng natapunan hanggang sa maging malinis siya. Medyo malaki yung basang part kaya di maiwasang kumunot ni Mr. Tourism.

"Sana nilabhan mo na lang di ba? Nahiya ka pang basain lahat."

"Sa isa pang reklamo mo ilulublob ko na 'to sa drum."

Natigilan siya at pinanood na lang ako. Pagtapos sa cr ay dumerecho ako ng music room. As usual, nagbunganga na naman ang lalaking ito dahil kung saan-saan ko na daw siya dinala. Kibit balikat na lang. Nadatnan ko roon sina Lester at Michael na busy sa computer.

"Lester nasauli na ba yung hair blower natin? Pahiram naman."

"Check mo na lang sa cabinet Jiro. Magbo-blower ka?"

"Hindi. May nabangga kasi akong estudyante kanina, tapos natabig ko yung iniinom. Ayun natapon sa damit niya. Nilinis ko na rin naman. Patutuyuin ko sana gamit yung blower."

When You Say Nothing At All (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon