Chapter 5

198 13 3
                                    

Hindi ko talaga alam kung anong dapat kong gawin. Papaano ko na ba sasabihin kay Prince? Papaano na ba ako aamin? Oo, nakakatakot pero tama si Megan e. Nonsense na nag-aalala ako sa presensiya ni Agatha kung di ko naman maaamin kay Prince ang tunay kong nararamdaman.

"Bes teka...", hinahabol ko pa ang hininga ko, "sakit na ng legs ko."

"Tara pahinga na tayo. Naka-dalawang oras na din tayong takbo."

Umupo kami sa gilid ng kalsada. Habang nagpupunas ako ng pawis ay tinitigan ko si Prince. Alam mo tama si Megan e. Sobrang swerte mo sa akin. Bukod sa pamilya ko, isa ka sa mga taong di ko magagawang iwan.

"Jiro boy good job. Nakatagal ka ngayon." Inakbayan niya ako at tinapik-tapik ang balikat.

"Wag mo nga akong Jinijiro-Boy. Tsaka Bes naman basa kili-kili mo umakbay ka pa." Biro ko.

"Ang arte naman nito. Inaamoy-amoy mo nga yan kahit ayaw ko." Lalo niya pang diniin ang pagkakaakbay. Therefore, mas ramdam ko ang basa niyang arm pits. Hihi.

"Bes yuuuuuuucks!" Kunwaring pag-iinarte ko.

"Arte mo, feel na feel mo naman ako." Tuluyan na akong niyakap ni Prince.

Kahit na pawis na pawis kami at nanlalagkit e harutan pa din kami ng harutan. Napalingon nga si lolo na nagwa-walkathon, mukhang disturbed sa skinship namin ni Prince kaya kinalas ko siya.

Nagsalita akong muli pagtapos kong uminom. "Bes lumiliit na mundo niyo."

"Nino?"

"Ni Agatha."

Parehas kaming nakatingin sa malayo.

"Tsss." Yan lang ang tangi niyang nasagot.

"Di kaya pinaglalapit kayo ng tadhana?"

"Tadhana mo mukha mo. Bakit ba nilalagyan natin ng kulay ang pagsali niya sa chorale?" Seryoso niyang tanong.

"Sorry. Sige, di ko na ipipilit si Agatha sa usapan natin."

Ilang minuto din kaming natahimik. Tanging paghinga lang namin at mahihinang huni ng ibon ang aking naririnig. Binasag ni Prince ang katahimikan namin.

"Honestly, nagulat din ako. She's the least na maiisip kong sasali sa chorale. Kung ano mang intensyon niya sa pagsali, sa kanya na yun. Kung isa dun ay ang pakikipagbalikan sa akin dapat na niyang baguhin ang pag-iisip niya. Di ako environmentalist. I don't recycle."

Natameme ako sa sinabi niya. Di daw siya nagrerecycle. So basura na ang tingin niya kay Agatha? Whatever. Sa ngayon malinaw na sa akin. Kahit papaano'y napalagay ang damdamin ko.

Tumayo siya sa harap ko at iniabot ang kanyang kamay na kinuha ko naman para makatayo. Hobby na talaga siguro ni Prince ang pag-akbay sa akin. Sa ganoong dikit namin ay tinungo namin ang kotse niya. Umupo ako sa passenger's seat at nagseat belt.

When You Say Nothing At All (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon