Chapter 9

224 11 4
                                    

Apat na araw na.

Pagtapos ng confrontation namin ni Jiro parang isang magulong puzzle kung paano ako magiging BES sa kanya ulit. Mahirap na nakikita ko siya pero di ko naman malapitan. Ito na yung sinasabi nilang so close yet so far.

Hanggang sulyap at tingin na lang ako sa kanya sa malayo. Kung mahirap sa kanya mahirap din sa'kin. Inaamin ko naman e, kasalanan ko talaga. Tama si Jiro. Nagamit ko siya para sa eksperimento ko. Ngunit alam ng Diyos na mas malinis sa inaakala niya ang intensyon ko.

Sa loob ng apat na araw nagturingan kaming parang di magkakilala. Magkakatinginan kami pero mabilis niyang iiiwas ang kanyang mga mata. Sinubukan kong mag-ipon ng lakas ng loob na kausapin siya. Sa tuwing nakakahanap ako ng pagkakataon siya namang dating ng mga sagabal moments.

Di ako sanay na binabalewala ako ni Jiro. But I guess I have to pay the price for doing the same to him. Mas higit pa nga. Pero hanggang kailan? Baka di ko kayanin. I feel like I lost not only a friend but a part of who I am.

"Prince." Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Kinawayan ako ng taong ito.

"Hi Agatha." Nginitian ko siya. Lumapit siya sa akin, dito sa ilalim ng puno ng acacia kung saan ko ibunubuhos lahat ng frustration ko.

"Mukhang ang lalim ata ng iniisip mo a. Can I share a seat?" Sabi niya. Ang aliwalas talaga ni Agatha noon pa man. I mean, pleasant.

Tumango ako. Umupo naman siya sa tabi ko na may kaunting distansiya.

"Alam mo pwede namang di kumunot noo habang nag-iisip. Magkaka-wrinkles ka niyan. Sayang ang kagwapuhan."

Natawa ako ng kaunti sa sinabi niya. "Ang totoong pogi di takot magka-guhit sa mukha."

"Naks, wow. Talaga naman Prince. Di ka pa din nagbabago. Lakas pa din ng tiwala sa sarili ha." Sarkastikong sambit ng magandang dilag sa aking tabi habang tinatapik ang balikat ko.

"Pero baka di talaga ako pogi."

"Huh? Bakit?" Pagtataka niya.

"Kasi totoong pogi ang isang lalaki pag kaya niyang di manakit ng damdamin ng iba."

"Bakit? May sinaktan ka ba?"

Tumingin ako kay Agatha na nakatingin din sa akin. "Di lang sinaktan, baka nga napatay ko pa. Kriminal ako Agatha."

"Naka-usap mo na ba siya? Sinubukan mo na bang mag-apologize?"

Tumango ako. "Baka di pa niya ako mapatawad sa ngayon. Pero sobrang nagsisisi na ako. Promise. Tsaka di ako susuko hanggang sa bumalik kami sa dati."

Ngumiti si Agatha. "O ayun naman pala e. You know what ang tunay na lalaking pogi marunong tumanggap ng kanyang pagkakamali, nagsisisi ng buong tapat at kayang humingi ng kapatawaran ng taong nagawan niya ng kasalanan."

When You Say Nothing At All (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon