Chapter 1

717 20 3
                                    

Nakangiti kong sinulyap ang dingding kung saan nakalagay ang steel typography ng pangalan ng unibersidad na aking pinapasukan. National State University. Nakakaproud lang sa feeling dahil na-survive ko na ang unang dalawang taon sa isang unibersidad na sobrang tinitingala sa ating bansa. At syempre ang mas kinatutuwa ko pa doon ay kasama ko sa pag-abot ng aking pangrap ay ang best friend ko.


Tumungo na ako papunta sa bagong room assignement na nakalagay sa registration card ko. Room N414. Sa aking paglalakad ay nakasabay ko din ang ibang estudyante mula sa ibang course. Dito sa NSU malalaman mo kung anong course ang alin dahil sa iba-iba ang uniform kada college. Alam mo din kung sino ang freshman dahil sa naka-smart casual sila.


Matagal na ang structure ng main academic building namin. Noong unang panahon kasi, ayon sa history ng NSU, dating dormitoryo ng mga kastilang prayle ang bahaging unang natatanaw sa malawak naming freedom plaza. Inimprove na lang ng mga Amerikano ang gusali na ito at dinugtungan. Gayun pa man makikita mo pa rin sa academic building namin ang tibay ng pagkakagawa nito.


Sa kasalukuyan modernized na ang gusali. Lahat ng silid ay air conditioned at nakatiles ang flooring.


Anyways, pagdating ko sa corridor ay aking natanaw ang blockmates kong nakatambay. Nakita na rin nila ako kaya't kumaway ako. Binilisan ko ang paglalakad.


"Hi Jiro!" Bati sa akin ni Irene, ang aming presidente. "I miss you. Lalong gumagwapo a. Yan ba napala sa Palawan?" Sabay kurot sa aking pisngi.


"Aray ha. Grabe, first day pa lang nananakit na." Tusok ko naman sa tagiliran niya.


"OA, ang hina lang ng pisil ko. O di mo ata kasabay si Prince?"


"Ah, sabi niya sa akin kagabi na di daw siya sasabay. Ewan ko kung anong topak nun."


Bumanat naman si Danny. "Sus. Ang sabihin mo LQ kayo!"


Marahan ko naming pinalo ang balikat niya. "Gago."


Sabay kaming nagtawanan. "O speaking of the devil." Ani ni Irene.


Lumingon ako at di naman nabigo. Tunay nga naming andyan na si Prince. As usual head turner na naman siya. Di kasi naiwasan ng mga babae mula sa ibang room na nakatambay rin na mapalingon kanya. Kahit din naman siguro ako. Eh ang gwapo kasi ng best friend ko. Yung uniform naming blue long sleeves polo, tie and coat ay sobrang bagay sa kanya. Maganda ang fit sa katawan niya, dalang-dala. Ang puti niya pa, medyo may pagkachinito, matangos na ilong at yung buhok niyang normal na nakabagsak. Swak na sawak!


Shet. Ang swerte ko lang. Kung alam ko lang, karamihan ng bading sa department naming inggit na inggit sa akin.


Nasulyapan na niya ako kaya naman ngumiti na siya, showing his awesome dimples. Ngumiti din naman ako pabalik and waved my hands to say hi.


Paglapit ni Prince sa amin ay agad na humirit si Danny. "Naks naman Prince. Laglag panty na naman yung mga yun sa'yo o."

When You Say Nothing At All (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon