Chapter 7

202 10 0
                                    

JIRO'S POV

There he is. Sitting on the dining table. Wala pa din pala ang mommy niya. He's alone. Awkwardly, my steps clicked down the stairs. Carrying my bag packed with his clothes that I used I walked towards the dining table and stood by the end of it.

He stopped slicing bread and began staring at his food. I know he was waiting for me to speak. Before doing so I breathed heavily. "Morning. Alis na ako."

"Kumain ka muna. Shiela-"

"Di na. Sa boarding house na lang. Salamat."

"Okay."

"Inayos ko na gamit mo para mamaya. Wag mong kalimutang i-print written report mo. Yun lang."

"Ako na dapat gumawa nun."

"Mag-thank you ka na lang."

"Thanks."

"Sige, see you later."

On my mind's cue naglakad ako papuntang pinto. Gusto kong murahin tuhod ko. Parang nilagyan ng super glue sa tigas ng paglakad ko.

"Jiro."

Huminto ako sa pagsambit ni Prince ng aking pangalan. Nilingon ko siya. Again, there he was. Looking gently at me. Nababanaag ko pa din sa kanyang mga mata ang aftermath ng kasalanan namin kagabi. I can still see the guilt in the way he gazed at me.

"Bes, ingat." He smiled at the end of that remark.

Ano pa bang dapat kong gawin? Para akong liliparin sa biglang gaan ng atmosphere namin. "Salamat. See you."

PRINCE'S POV 

Ayun siya. Nakikipagtawanan. Masayang nakikipag-usap sa iba naming blockmates. Ito ako. Nakatanaw sa bintana ng aming classroom. Ang bakla pero kinakabahan akong pumasok.

Pero hindi uubrang tatayo lang ako dito sa labas na parang estatwa. Baka sementuhin talaga ako ng prof namin ng tuluyan.

Kahit parang pakiramdam ko ang bigat ng paghakbang ko pumasok ako sa room. Buti busy ang iba sa pagsasagot ng sample BIR forms sa Taxation na tinapos na naming dalawa kahapon, nagpunta ako sa upuan ko na di pinapansin ang sinuman.

"Hahahaha! Ano ba yan Eugene! Malapit na, kaunti na lang Shrek na!" Si Jiro yun. Kelan pa niya natutunan ang ganung katinding joke? Adik talaga 'tong bespren ko.

Tuloy pa din sila sa tawa. Sige tawa lang. Aliwin niyo lang si Jiro. Please. Clueless ako kung paano siya haharapin.

Fck.

When You Say Nothing At All (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon