Chapter 3.2

204 11 7
                                    

(A/N: So, thank you so much sa pagbabasa ng story ko. Honestly, bawat pagsulat ko kinakabahan ako. I didn't have any concrete plotting na ginawa. This is randomly written ng aking butihing pag-iisip. If in the next chapters e makakita kayo ng loopholes sa story plot, pagpasensyahan niyo na. Pa-notify na lang ako. Pero I'll try my best not to :)

Btw, pagkalat niyo naman itong story ko sa mga interisado sa ganitong genre. Thanks!

Love xoxo)

Natapos agad si Megan sa pagpapa-check up ng mata para sa bagong pair ng contact lense. Thank God. Bumaba na ang grado niya. Tuwang-tuwa naman siya.

We grabbed the opportunity na makapag-gala na din. Window shopping ng todo-todo. Pasok sa Bench, Penshoppe, Candies, Uniqlo and Forever 21. Stress reliever naming dalawa 'to. Isa sa pinaka pinagkakasunduan namin. Dumaan din kami ng Astrovision. Chineck ko lang kung may available pang Mr.Mr. album. And fortunately meron pa! Yay!

Papunta na kaming food court nang mapalingon ako sa Comic Alley. Napansin ko yung Aries na keychain ng Fairy Tail, favorite na animé ni Prince. Medyo matagal na niyang pinaparinig sa akin na gusto niya yung keychain. At di daw siya magkakaroon nun kung di ko daw ibibigay.

"Be pwede pasok muna tayo dito? Last na lang bago tayo kumain. May bibilhin lang ako. Please." Paki-usap ko kay Megan.

Walang second thoughts na pumayag si Megan. Pagpasok namin ng store ay agad kong pinuntahan kung saan naka-display ang bagay na bibilhin ko para kay Prince. Nakangiti kong pinitas ang nakasabit na key chain. Ewan. Kinilig ako nung naisip kong may ibibigay ako sa kanya. Alam ko kasing matutuwa yun.

Bago pumunta ng check out counter ay sinilip ko na din ang ilang action figures. Naghahanap kasi ako ng Sailor Jupiter. Favorite character ko kasi siya sa Sailor Moon. Pero unfortunately wala. Puro si Usagi.

Pagkakataon naman talaga. Di ko inaasahan ang taong makikita ko sa counter.

"Jiro." Isang pamilyar na malalim ngunit magaang boses ang nanggaling sa kanan ko.

Nilingon ko ito. Laking tuwa ko naman kung sino ang nasa tabi ko. "Ren!" Sabay suntok sa braso niya.

"Aray. Nahawaan ka na ata ng ka-brutalan sa room. Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"May bibilhin lang. Ito o." Pinakita ko sa kanya ang hawak kong keychain.

"Naks. Mukhang alam ko na kung para kanino yan." At nakangiti si Ren. Ngiting may malisya.

"Ikaw ha. Yang nga ngiti mo di ko yan nagugustuhan." Natawa lang kaming dalawa. Umusad din ang pila. Susunod na siya sa babaeng kasalukuyang nagbabayad. "Kasama ko nga pala si Megan. Teka, asan nga pala yun?"

Hinanap ng aking mga mata kung nasaan ang best friend ko. Pero di ko siya nahagilap. Sa halip ay iba ang nahagilap ko. Nagtama ang tingin namin ni Ren.

When You Say Nothing At All (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon