Chapter 8

218 12 5
                                    

"Bakit kailangan mo akong sundan dito?"

Matigas kong tanong kay Prince, na nakatayo sa harap ko, habang nakasalampak pa din ako sa sahig at yakap ang aking mga tuhod. Hindi man ako nakatingin sa kanya ramdam kong nakatitig siya sa akin.

He had no answer. Instead he slowly kneeled until our eyes are on the same level. Nag-shift ang focus ng mata ko mula sa mga karton sa kabilang side ng kwarto papunta sa mukha niya. I saw the gaze of a worried friend. Tinitigan niya din ako ng buong awa.

His stare caused my tears to start running down my cheeks again. Pero sa pagkakataong ito, di na ako iyak bata. Ayoko, baka kawaan niya akong lalo. Kailangang pigilan. I closed my lids firmly then wiped my tears.

"Bes di mo kailangang tumakbo." He gently grabbed my right hand pero binawi ko ito at tumayo. Naglakad ako papunta sa grand piano.

Sumisikip ang pakiramdam ko sa paghinga. Sobrang sikip, ang sakit na sa pantaha ko. Tatlong beses akong huminga ng malalim kasi sobrang sakit talaga, di lang physically - emotionally mas matindi

"Jiro wag mo naman -"

"Di mo na dapat ako sinundan. Kaya nga ako nagpunta dito kasi gusto kong mapag-isa. Baka pwedeng hayaan mo muna ako. Iwan mo na muna ako Prince."

"Di kita iiwan."

Di kita iiwan. Wow. Gusto kong maniwala pero...

Humarap ako sa kanya. I was staring at him blankly. Siya, ganun pa din kung paano niya ako titigan kanina. "Bigyan mo muna ako ng space. Nakuha mo na yung sa'yo kanina di ba? Please ako naman."

"Space? Anong space ko? Di kita maintindihan Jiro." Kita ang kalituhan sa kanya.

"Kung di mo naiintindihan baka pwede iwanan mo na lang muna ako. Gusto ko lang ng oras para makahinga. Paki-usap."

"Hindi Jiro. Dito lang ako. Sasamahan kita hanggang sa -"

"IWANAN MO MUNA AKO!"

I crushed down slowly to the floor. Di ko na napigilan. Matinding iyak ang sumunod sa pag-sigaw ko. Yung sikip na naramdam ko kanina medyo lumawag na pero yung sakit di pa rin. Walang ibang rinig sa loob ng music room kundi ang pag-iyak ko.

Nilapitan ako ni Prince at mabilis na niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit na pakiramdam ko masu-suffocate ako. Mas lalo pang tumindi ang pag-iyak ko. Nanghihina na din ako. Di ko alam kung dahil sa pagod na ng katawan ko o dahil nasa bisig ako ng taong mahal na mahal ko.

"Ssssssh. Tahan na Jiro. Ayokong umiiyak ka." He sounded even more worried as he was caressing my back.

Kahit na gusto ko ng bumigay sa yakap ni Prince may kailangan pa akong malaman mula sa kanya. At magagawa ko lang yun kung malalabanan ko ang aking panghihina.

I gently pushed him away from me. Kumapit ako  sa piano para makatayo. He was about to touch me again but I refused.

When You Say Nothing At All (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon