Chapter 16

130 8 1
                                    

"Prince teka lang naman!"

Hingal na hingal na ako sa bilis ng paglakad ni Prince. It's clear. Di niya nagustuhan na nakita niya kaming dalawa ni Dylan. Tss. Kasalanan ko 'to e! Monthsary pa naman namin na bukas tapos ganito pa.

Dere-derecho lang sa pagpasok si Prince ng boarding house na ikinagulat ni Mommy Meng. Parang wala siyang nakita, agad siyang umakyat papunta sa kwarto ko.

"Ano ba yun Jiro!?" Mukhang nainis ata si mommy.

"Mommy sorry. Explain ko na lang po later. Kausapin ko lang po si Prince."

"Aba Jiro dapat lang. Ayoko ng ganun. Tsaka alam mo namang bawal yang ganyan dito sa bahay, yung bigla-biglang pumapasok tapos hindi naman rito nakatira."

"Mommy sorry po talaga. Tinopak lang po si Prince. Pagalitan niyo na lang po ako mamaya. Sa ngayon po akyat po muna ako."

Mas mabilis pa sa alas-kwatro ay pumasok ako ng aking kwarto. Nakaupo si Prince sa dulo ng kama ko at nakayuko.

"Bes ano ka ba naman. Paniguradong papagalitan ako ni Mommy Meng e. Sana sa labas na lang natin 'to pinag-usapan." Hinga Jiro. "Dahil ba sa nakita mo kanina? Prince wala lang yun. Nag-lunch lang kaming dalawa then after that tapos na. Bumalik lang kami sa CTHRM Building."

"Jiro di ko maintindihan e. Nakilala mo lang yung tao kahapon, sinaktan ka pa. Tapos makita-kita ko kanina nakikipagtawanan ka kasama yung gagong yun. Tama ba yun ha?" Tumayo na si Prince sa harap ko

"Eh ano bang dapat na ginawa ko ha? Makipag-iyakan sa kanya? At isa pa... Ano bang mali do'n Prince? Nagkabati na kami. Nakapag-sorry na kami kaya palagay na kami sa isa't isa kanina. Tsaka ipinaalam ko naman sa'yo kagabi na isasauli ko ng personal yung nameplate ni Dylan para makapag-sorry ako ng mas maayos. Ano bang kinagagalit mo?"

"Ang akin lang sana iniingatan mo ang sarili mo. Hindi yung mabilis kang nagtitiwala sa iba. Eh kahapon nga lang muntik ka ng mapahamak."

"Pero di naman ako napahamak ngayon. Prince mabait na tao si Dylan. Yung nakita mo kagabi ay dala ng bilis ng pangyayari. Di ba nga kasalanan ko kung bakit siya nagalit sa akin?"

"Wala akong pakialam Jiro. Basta ayokong sumasama ka kani-kanino."

"Hindi na stranger si Dylan sa akin. Kaibigan ko na siya. And wala kang rason para mag-alala kasi gaya ng sabi ko mapagkakatiwalaan naman si Dylan."

"Pinagtatanggol mo pa yung gagong yun."

"Di ko siya pinagtatanggol. Sinasabi ko lang ang totoo."

"Ano bang pinakain sa'yo ng tarantadong yun ha?"

"Pwede ba wag kang nagmumura! Wag mong murahin yung tao kasi wala naman siyang ginawang masama!"

"Ganon? Kampihan mo pa! Eh di dun ka na sa Dylan na yun! Sige! Ano pa!? Gwapo siya!? Banal? Anghel!? Ano pa!? Ipagtanggol mo pa siya!"

Angrer was so evident across Prince's face. Natakot ako dahil ito ang unang pagkakataon na grabe ang galit sa akin ni Prince. His jaw was trembling because of tension. So was my whole body. Hindi na rin ako nakapagpigil. Tumaas na talaga ang boses ko sa sunod kong sagot.

"Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo naiintindihan lahat ng paliwanag ko. Di ko pinagtatanggol yung tao. And kung alam kong mapapahamak lang ako e hindi na ako makikipagkita. Hindi naman ako tanga Prince."

Iniwasan niya ako ng tingin. "Did you exchange numbers with that guy?"

"Hindi Prince."

"Did you have fun?"

When You Say Nothing At All (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon