Chapter 12

171 11 5
                                    

"Para ka talagang bata Bes ko pag kumakain ng burger. May mustard ka, sandali."

Nakangiting hinugot ni Prince ang kanyang panyo mula sa bulsa. Pupunasan na sana niya ang mustard sa aking mukha nang aking hawiin ang kanyang kamay.

"Prince wag."

Bakas ang gulat sa mukha ni Prince. Maski ako'y nabigla sa ginawa ko. Mabilis kong dinampot ang tissue sa harap ko at pinunasan ang aking labi.

Agad namang napalitan ng ngiti ang kaninang ekspresyon ni Prince. Medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Bes ayos naman sa aking mamantsahan 'tong panyo ko. Di ko naman palalabhan sa'yo."

"Bes hindi yun e. Ano lang..."

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang sabihin kung bakit. Ayokong masira ang first date namin ni Prince. Naguguluhan ako sa sarili ko dahil ito naman yung set up na pinangarap at inasam-asam ko para sa aming dalawa tapos ngayon hindi ko man lang ma-enjoy masyado.

Nagulat ako sa paghawak ni Prince sa balikat ko at pinisil niya ito ng mahina. "Bes pansin ko kanina ka pa uneasy." Uminom siya bago nagsalita ulit. "Jiro kahit di mo sabihin alam ko kung bakit ka nagkakaganyan. Sorry if I'm making you uncomfortable."

" Prince hindi. Wag kang mag-sorry kasi wala ka namang kasalanan."

Isang magandang ngiti ang sinukli niya sa akin. "Okay lang Bes. I really apologize for that. If you want simba na tayo tapos uwi na, para ma-relax ka na."

"Prince wag ka namang ganyan. Don't mind me. Stressed out lang siguro ako sa thesis kaya ganito. Alam mo namang lumalabas kaartehan ko 'pag aligaga ako."

"Jiro, tingnan mo 'ko." I did as he say. Tinitigan ko siya kahit naiilang ako. "Sorry talaga. Kasi naman... Hindi pa ako sumaya ng ganito. Ang hirap pigilan ng sayang nararamdaman ko 'pag kasama kita. Kaya di ko rin mapigilan na ipakita yun through words and gestures. Isa pa bago sa akin ang ganitong relationship. Hindi ko alam kung paano ba tumatakbo ang ganitong klaseng relasyon. Sorry, nata-trato kitang babae. Starting now I will constantly remind myself na I have a boyfriend."

I couldn't figure out what kind of words I must answer. Nakonsensiya ako at mas lalong nahiya sa kanya. Di man direktang sinabi ni Prince alam kong hindi niya ma-enjoy ng todo yung date namin. Ang sakit tuloy sa puso.

In my head, inaaway ako ng isip ko at pinagsasabihan dahil sa pagiging gago ko sa dapat sanang unang selebrasyon ng pagmamahalan namin ni Prince. Nalulungkot ako para sa sarili ko.

Pagtapos naming kumain ay pumunta kami sa Baclaran Church upang magsimba. Di gaya kanina, mas nabawasan ang pagiging showy ni Prince. Hindi na niya ako inaakbayan o kaya pasimpleng hahawakan ang aking kamay. Ngunit mas nalulungkot ako kasi alam ko kung gaano kahirap kay Prince na magpigil ng totoo niyang nararamdaman.

Gumaan ang aking pakiramdam pagtapos ng misa. Bilang pag-iwas sa traffic bago pa man lumubog ang araw ay umuwi na kami ni Prince. Buong byahe ay hindi ako nagsalita. Sinusulyapan ko lang si Prince na mukhang okay naman at masayang nagda-drive. Hanggang bahay ay hinatid niya ako.

"Andito na tayo." Sabi niya.

Ramdam kong hindi pa dapat kami maghiwalay. Sa katahimikan ko buong byahe ay hinahanda ko ang sarili para ako naman ang mag-sorry kay Prince.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Bes ko, sana kahit papaano natuwa ka sa date natin. Again, sorry for making you uncomfortable."

" Prince ako dapat ang mag-sorry." My voice cracked at hindi ko na napigilang maluha. Mabilis na tumulo ang luha mula sa aking mga mata. "Nakokonsensiya ako kasi alam kong you looked forward para sa araw na 'to tapos ito ako, umandar ang kaartehan. Sorry talaga kasi instead of enjoying our first date mas inisip ko pa kung anong sasabihin ng ibang tao pag nakita nila tayong ganito."

"Ssssshhh." His hands cupped my face and he was so eager to wipe away my tears. Mas lalo akong naiyak kasi ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Bes. "Don't feel bad Jiro. Naiintindihan kita. Mahal na mahal kita, okay?" And he kissed my forehead.

"Prince bago lang sa ating dalawa 'to. Kaya lang naman ako ganun kanina kasi ayokong ma-trauma ka sa malupit na mundong ginagalawan ko. Ayokong marinig mo kung anong klaseng panghuhusga ang kayang sabihin ng ibang tao sa mga tulad nating nasa ganitong relasyon. Ayokong maranasan mong ma-discriminate dahil di mo naman dapat maranasan yun. Sorry talaga Prince. Alam kong mas nag-enjoy ka sana kung hindi ako naging ganun kanina."

"Jiro tingnan mo ako ulit. Kahit anong sabihin ng iba, tawagin man nila tayo sa kung anu-anong salitang gusto nila, ang mahalaga hindi natatapakan ng pagmamahalan natin ang pagkatao nila. Alam ko kung gaano sila kalupit mang-husga at handa akong tanggapin ang kalupitang iyon para mapatunayan sa kanilang hindi iba ang pagmamahalan natin sa pagmamahalan ng lalaki at babae."

"Salamat Prince. Maraming salamat." I kissed his right palm and then felt the heat of his love on that spit again.

"I promise you Jiro. Ano mang mangyari I will never leave you. Mamahalin kita sa paraang alam ko, at mamahalin kita dahil yun ang dapat mong maramdaman. Mahal na mahal kita."

Hinawakan ko ng mahigpit ang dalawa niyang kamay at sa puntong ito ay mas komportable na akong tingnan siya sa mata. Mas gumaan na rin kasi ang kalooban ko.

"Prince hayaan mo akong bumawi sa susunod. Mas iisipin ko na kung paano kita dapat mas mahalin pa kaysa sa isipin kung anong sasabihin ng iba. Hinding-hindi ko na hahayaang pigilan ng salita at iniisip nila na maging malaya tayo sa pagsasabi kung gaano natin kamahal ang isa't isa. At ipinapangako ko sa'yo wala kang pagsisisihan na tuluyan mo akong pinapasok sa buhay mo bilang boyfriend mo. Mahal na mahal rin kita Prince."

And one tight hug sealed our heartfelt exchange of vows of love. It was truly a special moment for the both of us. At ngayo'y mas malinaw na sa aking hindi ako dapat magkaroon ng reservations sa pagpapakita kung gaano ko siya kamahal. I will seize every moment I have with him.

He is my life.

At the end of the day, I will say our first date is a moment to remember.

----
----
----

Oh my gosh! After a century nakapag-update din. Okay I admit na I lost the spark of writing WYSNAA. Pagtapos kasi ng last chapter parang naging puzzle sa akin ang mga susunod na pangyayari. Though nakaplano na ang flow ng story na-blangko pa rin ako. Anyways, ang mahalaga nakapag-update na ako :)

Maraming salamat sa inyo ha? Sana ipalaganap niyo ang buhay ni Prince at Jiro. Spread the love!

One more thing, pwede favor? Bukod sa votes, pwede ba kayong mag-comment? Anything. What do you think of the chapter/s, expectation sa story, anong gusto niyong mangyari, what to improve, etc. Pretty please? In that way I will be able to develop and improve, not just how the story goes but also how I write.

Thanks! Love you all! :***

P.S. Check niyo din yung isa kong story - MASQUERADE.

Sincerely,

Yuelle

When You Say Nothing At All (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon