Chapter 13

172 9 2
                                    

"Hello nay." Pupungas kong sagot sa tawag ng aking pinakamamahal na nanay, si Melanie.

"Anak mukhang nagising ata kita ah."

"Tama lang nay. Tanghali na rin ata." Sabay hikab ko.

"Alas-9 nga. Wala ka bang pasok ngayon?"

"Nay Sabado ho ngayon. Hanggang Biyernes lang po ang pasok di ba po?"

"Ay oo nga pala. Eh anak baka naman masyado mong pinapagod ang sarili mo sa eskwelahan. Wag mo naman sanang nalilimutan ang sarili mo."

"Palagi ko namang sinisigurado nay na naalagaan ko po ang sarili ko. Kayo nay kamusta? Pasensya po at hindi po ako maka-uwi. Sobrang busy po kasi talaga. Si Jem po?"

"Nasa labas na ang kapatid mo at takbo ng takbo. Di ko mapigil ang kulit."

"Hayaan niyo na nay. Minsan lang maging bata yan."

"Anak si Prince pala kamusta?"

Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi pagbanggit ni nanay ng pangalan ng lalaking mahal na mahal ko. Tapos bigla namang pumasok ang isang tanong sa isip ko: Paano ko sasabihin kay nanay ang tungkol sa relasyon namin ni Prince?

Oo, tanggap na tanggap ni nanay kung ano ako. May isa lang siyang pabor sa akin, wag daw muna ako makipag-relasyon hangga't di pa ako nakakatapos ng pag-aaral. Baka daw kasi mahirapan ako kung magdadagdag ako ng isipin lalo na't sobrang burden na ako ng gawain sa school.

"Ayos naman si Prince nay. Habang nagtatagal po kami dito sa Maynila e lalong lumulusog. Baka ho di niyo na makilala pag nakita niyo."

Natawa si nanay. "Mabuti naman kung ganun. Ay anak kaya nga pala ako napatawag dahil sa kuya mo."

"O bakit po? Ano pong ganap ni Kuya Jing sa Macau?"

"Baka kasi sa Huwebes umuwi na ang kuya mo rito. Sinabi niya kagabi nang mag-usap kami sa Skype."

Napaupo ako sa higaan dahil sa balita ni nanay. Si Kuya Jerome, o Jing, ang nagsilbing ama sa bahay nang iwan kami ng magaling kong tatay. Nang mangibang bansa si nanay noon ay ibinilin kami kay Tita Jenny. Dalaga pa noon si Tita Jenny at walang hilig sa bata kaya naman si kuya ang talagang nag-aasikaso sa amin noon ni Jem. Sa higpit at pagiging protective ay para na talaga naming tatay si kuya.

Speaking of higpit, nang umamin ako sa pamilya ko sa pagiging bading ko mas naghigpit si kuya sa akin. Nagagalit siya pag sobrang lapit ako sa mga lalaki. Noong high school nga ako ay talagang sinusundo ako ni kuya. Pag masyado akong nakikipagtawanan kasama ng mga classmates naming lalaki ay nagagalit si kuya. Kahit si Prince pinaghigpitan niya.

Merong isang instance na nakita ni kuya na niyakap ako ni Prince. Kinausap niya ng lalaki sa lalaki si Prince. Di ko alam kung anong pambabanta ang ginawa ni kuya at ilang araw akong halos hindi kausapin ni Prince. Nakatikim din ako ng sandamakmak na sermon sa kanya.

Kaya kung matutuloy si kuya sa pag-uwi e nakikinita ko na ang mga kaganapan.

"Parang ang bilis ata nay? Apat na buwan pa lang si kuya dun a. May nangyari ba?"

"Anak wala naman. Sa katunayan nga e ililipat siya ng Japan ng kompanya nila. Kulang daw sa chef yung isang restaurant nila doon. Marami silang pinagpilian na ipadala sa Japan tapos si kuya mo ang mapalad. Tataasan rin ang sahod ng kuya mo."

"Eh bakit pa siya uuwi?"

"May pinaasikaso kasi sa kanya kaya uuwi siya. Mga dalawang linggo lang naman anak. Masasamahan mo ba si Jing?"

When You Say Nothing At All (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon