CHAPTER 5

101 4 0
                                    

[SHECAINAH]

"Ms. Pikon!"- napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Gelo

"Hi!"-

"Long time no see, papunta ulit akong California"- nag-pout pa siya

Siya nag pout? Luh, pagsinabi ko siguro kay Janell 'tong ganitong side ni Angelo hindi 'yon maniniwala sa'kin

"Sinong pinupuntahan mo don?.. gf mo?"- natawa siya bigla, as in natawa talaga

"Nope, my parents."

"Hindi ko flight Cali ngayon eh"-

"Ok lang, may nahingan naman na ako ng hug service noong nakaraang linggo"- biglang nawala ang mga ngiti ko dahil sa sinabi niya, sino namang FA ang nagbigay namg hug sa loko-loko na eto?

"Hoy, mukha mo parang sawi, biro lang"- tumawa siya ulit at tinap ang ulo.

Tumatawa naman siya..

"Ewan ko sayo"- sabi ko nalang at tinalikuran na siya "wag kang mag-alala, hug mo lang hihingin ko"- mabilis na siyang tumakbo papunta sa eroplanong sasakyan niya, ewan ko pero hindi ko mapigilan ang mapangiti

Para siyang bata kung tumakbo, malayo sa mga sinasabi ng nga tao sa kanya.

Lumipas ang tatlong araw at ang nakuha ko na naman ay ang flight papunta at pauwing California

"Wala paring hug service?"- napatalon ako ng biglang nalang may nagsalita sa gilid ko habang dumadaan ako sa aisle ng eroplano

"Bwesit ka!"- bulong ko sa kanya

"Harot"- napatingin ako sa katabi niya, ampogi! Mas baby face sa kanya

"Kapatid ko pala, in short sakit ng ulo ko"- napatitig ako sa kapatid niyang nakaheadphone at naka hoodie, hindi siya nakatingin sa akin pero tinaasan niya ako ng kilay, parang magkaedad lang kami?

"Ahhh"-

"Kelan ulit day off mo?"-

"Sa susunod na araw"- tumango lang siya at umalis na ako, grabe kapatid niya yun? Baket parang ang bad boy, samantalang siya parang anghel, mas maputi lang sa kanya, baka sa Cali tumira kaya ganoon kutis

Pero, ang malas siguro ng magiging girlfriend niya, badboy na pasaway pa, goodluck!

Noong pababa na ang mga pasahero, binulungan niya ako bago siya tuluyang bumaba 'sabay kana sa amin, ihahatid kita pauwi'

Hindi na ako umangal dahil si Janele ay sinundo na ng boyfriend niya. Si Zynx. Mahirap pa naman maghanap ng taxi dahil gabe na at rush hour pa

"Ako na"- sinalubong niya ako agad at na kinuha sa akin ang maleta ko "sa shotgun seat ka"- nakita ko naman sa back seat yung kapatid niyang natutulog

"Anong pangalan niya?"- tanong ko ng makasakay na siya sa driver seat

"Zieler Elle Guevarra, pinakabunso sa amin sinama ko nakaraan papuntang California ayaw naman magpa-iwan.."-

"Parang magkasing-edad lang kami?"- natigilan siya bigla at napatingin sa kapatid niya

"Magkasing edad lang kayo, 23"-

Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)]  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon