CHAPTER 17

51 3 0
                                    

[SHECAINAH]


Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya, 'yong kanang binti niya nakapatong sa kaliwang hita ni Gelo "I'm fine, baby"-

"Your boyfriend knows what to do and not to do."-

Susugod na sana ako kung hindi lang ako pinigilan ni Capt. Villon, nakita ko rin ang pagtayo at pag iwas ni Gelo, bigla namang nagpanik si Zynx, napasulyap silang dalawa sa akin, inaalala ang magiging reaksyon ko

"Zyla, what the hell are you doing here?"-

"Why? Is there something wrong"-

"YES, now you can go, we can't finish our work if you are here!"- nakikinig ako kay Zynx pero ang mga mata ko, blangkong nakatingin kay Gelo, na naka pout na at may binubulong na hindi ko naman ma gets

"Shen, lumayo naman siya"- biglang bulong ni Captain "sinusubukan ko lang siya, Cap"- bulong ko rin sa kanya, natawa siya ng bahagya

"No, I want here. Nick wants me here, right baby?"- nakita ko ang pagtaas baba ng Adam's apple niya

"Pinapasabi ni Janel, sugurin mo na raw"- bulong ulit ni Captain sa akin, tinignan ko silang dalawa ni Janel nang masama, wala akong panahon makipagbiroan

"I can't accompany you"- diretsahang sabi niya habang nasa akin ang mga mata "but, Nick?" ako lang yata yung tumatawag kay Angelo sa second name niya, yung ibang kakilala niya kase ay Nick na

"I'm sorry, Zyla I don't want my girlfriend to get mad at me"- umikot ang mga mata ng kapatid ni Zynx at sa isang iglap matapos niyang hawakan sa batok si Gelo at siilin ng halik, halos lahat ng tao ay napasinghap maliban sa akin

Gusto kong sugurin ang babaeng iyon pero mas lalo lamang lala ang gulo kapag ginawa ko yun, kaya ako nalang ang umiwas. Tumingin ako kay Zynx, nagpapaalam ang mata kong umalis

Hindi ko alam kung matatawa ba ako ng sinenyasan ako ni Zynx na mag walk out

"Break muna tayo!"- dinig kong sigaw nong director

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko masyado kabisado ang ikatlong palapag ng Zecka, madalas ay hanggang ikalawang palapag lang kami

Nanlalabo na rin yug paningin ko, gusto ko ng umiyak, simula kay Thrianna, doon sa airport, kung paano sila magyakapan ni Gelo,  sa sasakyan kung paano nila balikan ang kanilang nakaraan hindi manlang iniisip na nadoon ako, nakikinig at unti-unting pinipiraso. Yung babae sa condominium niya

Ngayon naman sa kapatid ni Zynx, hindi ko alam sa sarili ko kung baket ako umiiyak ngayon, ang sakit kase parang naipon iyon sa loob ko at ngayon lang sumabog

'Ang hirap naman magmahal ng isang Guevarra'

"Shen!"- binilisan ko ang takbo kong walang pinapatunguhan, pero bago pa man ako tuluyang makalayo nayakap na niya ako
mula sa likuran

"Shen, please..."-

"Gelo please..."- pilit kong kinakalas ang mga kamay niya sa bewang ko "Gelo! Bitawan ko ako sabi"- nagseselos ako, natatakot ako kase alam kong wala akong laban sa kanya, sa yaman palang niya ay taob na ako, hindi rin masamang magustuhan siya ni Gelo

Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)]  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon