CHAPTER 34

55 3 1
                                    

[SHECAINAH]

Pagkatapos kong mapahinga kuno sa condo ni Gelo ng isang gabe, pagkatanghali ay hinatid na niya ako. Ayaw niya pa nga, pero wala siyang nagawa. Pigilan niya pa ulit ako susuntokin ko siya ulit


Sht! hindi ko man kang siya natanong about doon sa suntok ko! Pero okay na siguro siya, wala na ng pasa sa mukha niya eh

Tulad ng buhay ko araw-araw na sa himpapawid na naman ako. Nakasakay sa likuran ng aking agila habang pinagmamasdan ang lahat ng ari-arian ko. May narinig akong sumigaw mula sa baba kaya dali-dali kong inutusan ang agila ko at bumaba kami

Nagulat ako ng pagbaba ko humarap sa akin ang aking agila at pinukpok ako ng kanyang pakpak at sabay sigaw ng ...

"SHECAINAH, TANGHALI NA!!!"

"Joy, mamayang 11:00 pm pa ang flight ko." Tumalukbong ako ng kumot. Tinakip ko rin sa tenga ko ang unan

"Hay! at ano sa akala mo anong oras? hoyyy! 10:30 na olol!" Napabalikwas ako ng bangon

Tumakbo ako papasok ng cr, natampal ko rin ang noo ko nang maalala kong hindi ko pa naayos ang laman ng maleta ko!

"Kahit tatlong tabo lang ok na yan." Sigaw niya mula sa labas. Minsan naiisip ko may lahi yatang dem*nyo tong si Joy eh

Syempre kahit na ma l-late na ako inayos ko parin ang pagligo ko. Nag sabon at nag shampoo. Pinaresan ko ng tatlong buhos lang

Sabi na kase may sa dem*nyo tong isang to eh. Kahit ayaw ko nagawa ko?

Paglabas ko nakita ko siyang inaayos ang laman ng maleta ko "oyy."

"I know this, kumain kana." Nakatuon lang ang atensiyon niya sa pag-aayos ng mga damit ko

Palabas na ako ng magtanong rin siya sa wakas "anong bansa ba?"

"Saudi." Bago pa siya may masabi lumabas na ako ng kwarto pero sumunod pa talaga siya

"Hi, dear send pic?" Tumawa siya ng malakas pati ako nabulunan dahil hindi ko napigilan ang matawa. Naalala ko noon yung mga arabo nag cha-chat sila sayo tapos manghihingi ng picture "malay mo nasa arabo ang tadhana mo!"

Mabuti nalang at tama naman ang nalagay niyang mga damit sa maleta ko. Minsan talaga may silbi yun eh. De jwk lang I'm so thankful to have Joy as my friend.

Pagkatapos ng nakaka-hagard na trabaho nakauwi na rin ako sa wakas. Nakikisbay ako sa mga pasaherong palabas narin ng airport ng bigla nalang may tumakip sa mga mata ko

"Kapag hindi mo ako pinakawalan. Sisikohin at lilingonin kita sabay suntok at tadyak sa'yo. Isa!"

"Chill, it's me." Tumawa pa siya ng malakas

Nakakainis!

Inis kong hinatak ulit ang maleta ko. Pero napatigil na naman ako ng makita ko si Zyla na bigla nalang tumakbo at yumakap kay Thriton? sabay halik sa kanyang mga labi. Binuhat din nila yung bata

Tinapik ko ng ilang ulit si Angelo at tinuro sa kanya ang dalawang taksil. Naramdaman kong inakbayan niya ako

"Bakit naiinggit ka? gusto mo gayahin din natin?" Siniko ko na siya

Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)]  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon