[SHECAINAH]
Buong isang buwan ganoon lang ang naging takbo ng buhay ko, trabaho, barkada, tawagan sa pamilya at si Angelo
Hindi pa ako nakakabisita ulit sa amin, hindi pa ako nakakapagpaalam sa trabaho lalo at bagohan palang ako
"Shen, bar?"- umiling ako, kakatapos lang ng trabaho namin at nagyayaan silang uminom
"Good girl yan eh, nandito na kase si architect"- pagpaparinig ni Janele kaya napalingon ako sa likuran
"Hi"- sa simpleng bati niya, yung mga kasamahan kong FA bigla nalang nagkurutan
"Si architect Nick Guevarra!"-
"Hi architect"-
"Are you free tonight?"-"Mga gaga, gusto niyo bang masabit sa pakpak ng eroplano? Harap-harapan ah, yung girlfriend nandiyan oh?"-
"I'm sorry girls, I'm already taken by this lady."- inakbayan niya ako, natilian naman sila pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko
Hindi naman niya ako girlfriend eh!
"Oh sige na nga, wag nalang si architect yung mga kapatid nalang niya,"-
"Let's go?"- tumango lang ako at kumaway sa kanila, hanggang sa makalabas ako ng airport ay hindi ako kumikibo
"Are you okay?"- bigla akong napalayo sa kanya ng hawakan niya ang noo ko kaya mas lalo siyang naguluhan "ang pula ng mukha mo, are you sick?"- hindi ba niya alam na kinikilig lang ako?
"Shen, are you okay? If not I'll bring you to the hospital, you are sick tapos nagtrabaho ka pa? Sana nag pahinga ka muna, wag ka munang papasok bukas makakasama sayo yan, hop on dadalhin kita sa hospital"-
"Gelo, wala akong sakit"- umiwas ako ng tingin, hindi pa niya pinapaandar ang kotse
"Eh baket ka namumula?"- parang inosenteng batang tanong niya "Shen"-
"Kase kinikilig ako!"- napalakas na yung boses ko, nang makita ko siyang natigilan at nag blink-blink pa, sinubsob ko yung mukha ko sa sandalan ng kotse
Nang wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kanya, hinarap ko siya. Muntik ko na siyang mahalikan ng paglingon ko nasalubong ko agad ang mukha niya
"Inlove ka na yata sa'kin eh"- tinulak ko siya palayo sa akin, pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga sa lapit ng mukha niya sa mukha ko "hindi ah, sinong nagsabing mahal na kita?"-
"Nag deny pa siya, love you too"- humalakhak siya ng malakas ng makita ang naging reaksyon ko
Dumaan kami sa isang restaurant para sana mag take out ng PAGKAIN pero iba ang na take out niya!
Nakasimangot akong nakaupo sa backseat habang silang dalawa sa unahan nagtatawanan, kanina kase nakita namin sa restaurant yung sinasabi niyang ex niya, yung sa airport
Papasok na sana ako kanina ulit sa shotgun seat nang itulak ba naman ako at siya ang maupo doon, etong babaero naman na eto, wala nang pakealam sa akin
Kung hindi ko lang mahal ang buhay ko, kanina pa ako tumalon dito sa kotse o di kaya na murder ang babaeng yan!
Para akong tangang, pinipigilan ng kaliwa kong kamay ang kanan kong kamay para hindi mahablot ang buhok niya!
BINABASA MO ANG
Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)] (COMPLETED)
RomanceNick Angelo Guevarra is the smartest among the 5 Guevarra brothers, he often smiles and laughs only at his brothers, he never smile genuinely to anyone, he has the cold aura. The favorite kuya of four Guevarra, he stand as their parents, guide them...