[SHECAINAH]
August 26, today is my birthday. At ang ganda ng bungad sa akin ni Gelo! Tulad nakaraan wala siya sa buong sulok ng bahay, may nakahanda naman ng pagkain sa mesa
Hindi ako kumain hanggang sa hindi siya dumating, pumasok silang tatlo sa loob habang may hawak siyang cake, si Janel at Zynx naman nagpaputok ng confite
"HAPPY BIRTHDAY, SHEN!"- lumapad yung ngiti ko at nakalimutan kong badtrip ako kay Gelo dahil sa ginawa nila, niyakap ko naman si Janel at Zynx bilang pasasalamat
"Happy birthday, mine"- nakasimangot ako kunwari habang nakatingin sa kanya "salamat sa inyo, ah"-
Kinain namin yung dala nilang pagkain at napagkasunduan nina Janel at Zynx na hindi muna sila sasama sa aming dalawa ni Gelo sa pamamasyal
Eto na kase yung huling araw namin dito, bukas ng tanghali ay uuwi na kami sa Pilipinas
"Napagod ako, upo muna tayo"- sabi ko, kung saan-saan na kami nakarating.
"may pupuntahan lang ako muna, mine?"- tumango lang ako, masyado akong nalibang sa ganda ng lugar grabe
Nandito kami ngayon sa Changdeokgung palace nasa may 78-acre Huwon or palace garden. Nakakalma ang ganda ng lugar
"She wants to meet you, she is also a fan of yours"-
"Really? Where is she?"-
Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin, kung tatalon, titili, hihimatayin, tatawa, iiyak o babatukan ang boyfriend kong loko-loko
"Here she is"- I almost stunned, hindi ako gumagalaw, dalawang salita lang ang lumabas sa bibig ko "ang gwapo!"-
"Salamat, so you are Shecainah?"- mas lalong lumaki ang ngiti ko ng marinig ko ang pagtatagalog niya!
Kung dati ay kinakausap ko lang siya sa picture niya sa selpon ko, umattend din ako sa concert niya noong minsang dumalaw siya sa Pilipinas pero nasa malayo ako, ni hindi ko nga nakita ng lubusan ang mukha niya at mas lalong pinapangarap ko lang na makita siya sa personal at makausap pero, heto siya ngayon nasa harapan ko nakatingin sa akin habang nakangiti!
"CHA EUN WOOOOO!"- para akong palaka na patalon-talon at nagtitili sa sobrang kilig!
Pumirmi ako at tinitigan siya, tumili ulit ako ng ngitian niya akooo! Jusmeyo seryoso ba ito?
"Wahhh! Wahhhh! Wahhhh!"- pareho silang natatawa ni Gelo habang pinapanood ako
"Nice meeting you, Shen?"-
"Oo-I mean yes, I'm Shen"- kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para mapigilan ko ang tumili ulit "I want to greet you a happy birthday"-
"I love you too! Ackkkkk!"- tumawa ulit siya, kay gandang tanawin hinding-hindi ko pagsasawaan kahit kaylan "I love you too."- halos himatayin na ako sa sobrang kilig, kahit sumasakit na ang leeg ko kakatingala dahil sa taas niya ok lang, kahit maputol pa leeg ko okay lang din
Naka turtle neck lang siya na kulay gray, simple black pants, shoes at bonet na black ang gwapo na niya!
"Mine, pi-picturan ko na kayo"- si Cha Eun Woo na mismo ang lumapit sa akin at inakbayan ako "You were my first husband"- bulong ko, humalakhak ulit siya na parang sanay na sa mga dami ng babaeng umaangkin sa kanya
BINABASA MO ANG
Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)] (COMPLETED)
RomanceNick Angelo Guevarra is the smartest among the 5 Guevarra brothers, he often smiles and laughs only at his brothers, he never smile genuinely to anyone, he has the cold aura. The favorite kuya of four Guevarra, he stand as their parents, guide them...