[SHECAINAH]
Nag leave ako sa trabaho ng tatlo araw dahil sasalubongin ko sina mama sa airport . Etong isa naman, lahi na yata sa kanilang magkakapatid ang pagiging makulit. Sasama raw siya sa akin
Nagpa-request pa siya kay Zynx ng private plane. Na agad namang binigay ng bestfriend niya
Sinalubong ako nina mama sa airport, kasama niya ang isa sa mga kapatid kong may asawa na at anak
Dala na rin nila ang mga bagahe nila. Ililipat ko na sila sa Maynila, tapos na ang bahay na pinapagawa ko doon syempre sa tulong ng architect ko at pagkarating namin doon magpapa house blessing na agad kami
Niyakap ko silang lahat. Yung isa ko pang kapatid na babae na lang ang titira doon sa dati naming bahay may sarili na ring pamilya doon at mas ginusto nilang doon nalang tumira dahil nandoon ang trabaho ng asawa niya
"Kamusta kana, Gelo." Pansin sa kanya ni tatay
"Mabuti naman po ako. Kayo po?" Natawa si papa
"Eto at ganoon parin."
"Mas lalo po yata kayong guma-gwapo." Pangbobola niya pa, tumawa naman si papa lalo "eh, dapat talagang pumogi tayo, may chicks ba doon sa Maynila?"
"Opo madami, manok nga lang paglaki." Nagtawanan silang dalawa
"Salamat, Shen. Proud kami sa iyo ng tatay mo."
"Oo nga anak, natupad mo ang pangarap mo."
"Salamat din po sa inyo. Dahil para sa inyo ang lahat ng ito."
Pagkarating sa Manila sinundo kami ng van na si Zieler pala ang nagmamaneho. Malamang at sa malamang inutusan ng kapatid niya
Pagkarating namin sa bahay natuwa ako nang matuwa sina mama at papa
"Ang ganda neto anak, ang laki pa oh."
"Oo nga ilan ba ang nagastos mo?"
"Wag niyo na po iyon isipin." Kahapon ay binilhan na namin eto ni Gelo ng mga gamit para sa loob ng bahay
Pagkatapos mag pa blessing dumating din yung mga barkada kong may dalang mga pagkain na pwedeng pagsaluhan
Pagkatapos naming kumain. Napatingin ako sa kanilang walo ng bigla silang magsitayuan. Magtatanong na sana ako kung saan sila pupunta ng tumayo rin si Gelo
"Mine?" Nakatingin lang ako sa kanya "I know, hindi naging madali sa ating dalawa ang mga napagdaanan natin but still tayo parin sa huli."- lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko "Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito at mamahalin ko lang hanggang sa huli kong hininga. You are the most beautiful, kindest, understanding and the best woman I've ever met, my Shen, my girlfriend na kung papayag ka maging asawa ko. Sa harap ng mga kaibigan at pamilya mo..."
Napatakip ako ng bibig ng lumuhod siya at may nilabas na maliit na kahon. Nang buksan niya eto kumislap agad ang diamond na nagsisilbing disenyo sa gitna ng singsing
"I want you to love me, without any doubts, mine.." Bumaling siya sa kanilang walo. Isa-isa nilang hinubad ang mga suot nilang jacket
BINABASA MO ANG
Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)] (COMPLETED)
RomansNick Angelo Guevarra is the smartest among the 5 Guevarra brothers, he often smiles and laughs only at his brothers, he never smile genuinely to anyone, he has the cold aura. The favorite kuya of four Guevarra, he stand as their parents, guide them...