CHAPTER 19

48 3 0
                                    

[SHECAINAH]



Napatili ako bigla nang may yumakap sa akin mula sa likuran at kiniliti ako

"GELO!"- at dahil mas malapit ang condo niya sa Zecka, at ayoko namang gumising siya ng napaka-aga para lang mahatid ako, dito nalang ako umuuwi sa condo niya

"Hindi mo ako sinabihan, umuwi kang mag-isa"-

"Kaya ko ang sarili ko and besides tanghali naman hindi gabe at alam ko namang may trabaho ka, I'm safe okay?"-

"Kahit nagtext ka lang sana"-

"Dito naman ako umuuwi sa'yo eh"- tumawa ako ng mamula siya bigla

"Excuse me"- akala ko ay lalayo siya para sagotin ang tawag pero mas lalo niya pa akong hinapit palapit sa kanya "yes, architect Nick speaking?"-
"Architect, ayaw pong umalis nong isang pamilya sa bahay nila"-
"Iyan ba yung hindi sila nakabayad sa utang?"-
"Yes architect"-
"Let me handle that, I'll be there. I'll just eat my lunch"- humiwalay ako sa yakap niya at naghain agad
"Opo"-

"Do you want to come with me?"- nagningning ang mga mata ko, at mabilis na tumango-tango

Pagkatapos naming kumain nagpunta kami sa isang bahay na hindi kalakihan hindi rin kaliitan, kung titignan ko ay parang maayaman ang pamilyang ito naghirap lang sa hindi malamang dahilan

"Ano bang problema sa kanila, mine?"- inakbayan niya ako pagkababa ng kotse

"Dati nilang sinangla ang kanilang bahay at lupa sa amin, pambayad daw sa pagpapagamot sa anak nila na gumaling din, ang problema ay isang taon na hindi pa sila nakakabayad"-

Napaatras ako sa gulat ng biglang may isang ginang ang lumuhod sa harapan ni Gelo habang humahagulhol

"Sir, parang awa niyo na ho, bigyan niyo po kami ng kunting panahon, wala po kaming matutuluyan kung aalis kami ngayon"- inalalayan niya itong tumayo, lumabas na rin ang dalawang anak nito at asawa niya na namumula ang mga mata kakapigil sa pag-iyak

Pinaupo namin ang ginang sa upuang binigay ng kanyang anak, lumuhod naman si Gelo para maging magkalevel sila

"Nay, pasensya na ho kayo, mahigit isang taon na ho kayong hindi nakakabayad sa utang, dapat nga po eh noong isang buwan pa po kayo papaalisin pero naawa rin ho ako sa inyo. Pero kung mananatili pa kayo dito mas lalong tataas ang patong mas lalong lalaki ang babayaran niyo"-

"Wala lang po talaga kaming mapuntahan kung sakaling aalis kami dito, sir"-

"Nandoon na po ako, nauunawaan ko rin kayo, pero tulad ng sabi ko mahigit kalahating million na ang kailangan niyong bayaran kasama na diyan ang mga patong, ngayon kung tatagal pa kayo mas lalong lalaki"- para siyang kumakausap ng bata sa hinahon ng boses niya

Naglakad ako palayo dahil parang pati ako ay maiiyak, naalala ko ang pamilya ko. Pangarap ko ring matayuan sila ng maganda at maayos na bahay gusto ko silang dalhin dito sa Maynila upang makasama ko naman sila. Yung perang naipon ko ay hindi pa iyon sapat para makapagpatayo ako ng bahay

Kung pwede lang padaliin ang buhay at umulan ng pera, pero napaka-impossibleng mangyari

Dumaan din ako sa hirap, kaming lima bago namin natupad ang mga pangarap namin maging professionals, hindi madali, walang madali

Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)]  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon