CHAPTER 14

64 3 0
                                    

[SHECAINAH]


Check the photo of silab...click the media:)
Pero iyong nasa pic, hindi po sila iyan hahaha

"Welcome to Silab, they called this a little Baguio of Capiz!"- mabilis akong tumakbo at pumatong sa gutter, kita ko yung kabuoan ng mga bundok

"Simple but beautiful"- natuwa ako ng makita ko sa mga mata niyang namamangha pumikit siya at lumanghap ng hangin "walang pollution"- katulad ko pumatong din siya sa gutter at tinanaw ang buong lugar

"Sayang at wala pang hamog, mas lalo siyang nagmumukang parang Baguio kapag may hamog"-

"But still maganda parin"- bundok lang ang makikita mo na puno ng halaman at punong kahoy pero nakakafresh rin sa pakiramdam, maganda rin yung view

Lumapit ako sa kanya at binigay ang selpon ko "picturan mo ako, please?"- tinanggap naman niya iyon, bumalik ako ulit sa gutter at nag pose, merong nakaupo, nakatayo at kasama siya sa selfie

Pinost ko yun sa IG ko 'Welcome Back!'
Isang picture lang namin ang sinama ko, nahihiya ako

"May IG ka pala"- kinuha niya ang selpon ko at tinanong ako kung anong pangalan ko sa IG

@Shen_Tenorio

yung sa kanya naman

@N.A_Guevarra

Nanlaki ang mga mata ko ng ma stalk ko na siya, malakas ko pa siyang hinampas sa balikat dahil doon, may pinost siyang picture ko na, nakatayo sa gutter habang nakatalikod, at inuulan na iyon ng tanong kung sino raw ako kase ang caption niya 'Mine'

"Bwesit ka!"-

"Bakit ka galit? nakakalma tong lugar pero galit kana agad"- sabi pa niya habang tumatawa, inakbayan niya ako at dinikit sa kanya "sorry na, hindi naman nakita mukha mo eh"-

Naglakad-lakad pa kami hanggang sa marating na namin ang dulo, tumunog ang naapakan kong plastic cup, pinulot ko iyon at tinapon sa malapit na basurahan. Umupo ako sa gutter, sumiksik naman siya sa akin

"Ang ganda"-

"Gandang ayokong mawala"- malungkot kong sabi "hindi kase natin alam eh, baka bukas makalawa kalbo na etong buong gubat, wala ka nang makikitang puno, hindi na luntian ang kulay ng paligid, baka hindi na halaman ang makikita mo kung hindi gusali, ayokong masira to, kahit na hindi naman ako nakatira dito at mas lalong kahit hindi naman ako ang may ari"- natatawa kong sabi, nakayuko lang siya at pinaglalaroan ang daliri ko

"Hindi siya masisira"- siguradong sabi niya, sana, sana nga. Madami ng puno ang nasayang, bundok na naglaho nalang at buhay ng hayop na nawala dahil sa kakulangan ng tirahan

"Maganda ang Pilipinas, tinagurian nga tayong tourist spot eh, pero sinisira naman nila, makapagpa-picture lang sila tama na sa kanila, ni isang basura na nasa tabi na nila hindi pa nila matapon sa tamang lalagyan"-

"Nagagandahan sila, pero kanilang ding sinisira"- wala sa sariling sabay naming nabanggit at sabay na napabuntong hininga

"Thank you ah"- napatingin ako sa kanya "thank you kase hinayaan mo akong sumama sayo, at nakilala ko ang pamilya mo, nakilala ko kung sino ka pa"-

Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)]  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon