CHAPTER 35

65 4 2
                                    

[ANGELO]




Nasa trabaho si Shen at nasa opisina naman ako. Kapag nasa trabaho siya tinutuon ko lahat ng oras ko sa pagtatrabaho at kapag nandiyan naman siya sa kanya ko binubuhos ang panahon ko

Napaangat ang tingin ko ng pumasok ang apat hindi tulad ng dati kapag nagkakasama sila ay ang iingay nila pero ngayon para silang pinagsakluban ng langit at emperno

May linapag si Dreen sa mesa ko at noong mabasa ko yun, nalaman ko na kung saan nang-gagaling ang mga lungkot sa mga mukha nila

Pabagsak na ang kumpanya ng hindi namin nalalaman. Nauubos na ang pera nito without knowing kung paano eto nangyari

Nagpa imbestiga kami at doon namin nalaman na ang may kagagawan ay ang secretary ni daddy na naging secretary ko na rin

Hindi namin alam dinadahan-dahan na pala niya ang pera ng kompanya. Hindi namin siya nahuli dahil nakatakas siya at hindi rin namin nababawi ang pera

Tulad ng inaasahan namin umuwi sina mommy at daddy. Sinundo ko sila mula sa airport ng Zecka. Tine-text ko si Shen na hindi ko muna siya masusundo dahil hindi pa siya pwedeng makilala nina mommy lalo na ngayong may problema ang pamilya

"Esmeralda, kumalma ka nga muna." Pilit hinahawakan ni daddy si mommy pero nagpumiglas eto "matapos ko siyang pagalitan nagawa niya pa akong ngitian?  naiinsulto ba siya?"

"Malay mo mabait lang talaga ang batang yun."

"What's going on?"

"Yang mama mo may pinagalitang flight attendant."

"Dahil tanga siya, coffe ang hiningi ko juice ang binigay." Napailing nalang kaming dalawa ni daddy. Mom has a attitude of being mean at some times

Pagod akong umuwi sa condo pero wala doon ang inaasahan kong magiging dahilan ulit ng sigla ko. Hindi umuwi si Shen kaya hinanap ko siya, tinawagan ko ang mga kaibigan niya pero pinagalitan pa nila ako dahil pinabayaan ko raw siya

Buong gabi ko siya hinanap at umaga na ng maisipan kong pumunta kina aling Samila

Paalis na ako noong bulungan ako ni aling Samila na nasa kwarto siya. Gusto niyang mag-usap kaming dalawa

That time when he confronted me about having a family I was about to deny it. Pero noong sinabi niyang nakita niya sina Zyla dito sa Pilipinas ang unang pumasok agad sa utak ko ay si Thriton

Sunod pumasok sa isip ko maybe it's time para tapusin ko na ito. Bukod sa maling akala niyang ginawa ko siyang kabit wala na akong maisip na ibang rason para palayain siya kahit masakit sa akin

"I'm sorry, sorry kung hindi kita kayang ipaglaban... sorry kung duwag ako... sorry dahil nakilala mo ako... sorry kung mas pipiliin ko sila kesa sayo..." Ang akala niya ay sina Zyla ang tinutukoy ko pero hindi niya alam na mga kapatid ko ang pinupunto ko

"Pakawalan mo na ako, Gelo." Noong umiyak siya parang gusto kong bawiin lahat, gusto kong sabihing hindi ko siya ginamit pero yun na siguro yong mas nakakabuti para sa'min

Nawalan ako ng malay at wala na siya pagkagising ko

Pag-uwi ko sa condo nakita ko agad ang susi sa coffee table. Eto yung susing binigay ko sa kanya kung sakaling wala ako at hindi siya makapasok

Lahat ng mga binigay ko na damit sa kanya, maliban sa sling bag ay iniwan niya sa condo ko. Pero kahit ganoon ay napangiti ako ng araw na iyon, nakita niya yung sketch ng bahay na dapat ay itatanong ko pa sa kanya kung maganda ba para sa magiging bahay namin

"Kuya, wag na wag mong hihiwalayan si Shen please." Umiling ako sa sinabi ni Dreen

"I already did, Dreen." Nanlaki ang mga mata niya, lumagok lang ako ng alak

Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)]  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon