CHAPTER 23

46 3 0
                                    

[SHECAINAH]


Nagmamadali akong hinahatak ang maleta ko patakbo hanggang sa makalabas na ako ng airport, pumara agad ako ng taxi at hinihingal na sumakay

"Manong pakibilisan lang ho, sa Ferrer Medical Hospital po tayo." anlakas nang kabog ng dibdib ko, hindi dahil sa hingal kung hindi dahil sa kaba na nararamdaman ko

Tatlong buwan palang ang nakalipas simula noong sa Korea, one of the best in my life with him

Noong isang araw bago ako pumasok sa trabaho nag-away pa kami dahil gusto niya akong ihatid, paalis na ako noon ng bagong gising palang siya. Hindi ko na siya ginising dahil noong gabe'ng iyon ay 3:00 am na siya natulog

Pero hindi siya nagpapigil kaya sinampal ko nalang siya para magising, tawang-tawa ako non, kesa naman sa maaksidente kami

PERO ngayon! Tumawag sa akin si Zieler pinapapunta ako sa hospital dahil ang kuya niya'ng matigas ang ulo naaksidente habang papunta na sana dito sa airport para sunduin ako

Pagkarating sa hospital binigay ko nalang sa driver ang buong ₱500 at hindi ko na hinintay ang sukli tumakbo na agad ako papasok

"Nurse, may nakaconfine ba ditong Nick Angelo Guevarra?" may tinignan siya sa computer niya

"Yes ma'am, nasa room 0315," ngumiti lang ako sa nurse at tumakbo ulit papunta sa nasabing kwarto habang hatak ko parin ang maleta ko

Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto, napatingin silang dalawa saakin ni Dreen

"Mine..."

"Mabuti, hindi ka pa namatay." umupo ako sa sofa, hinihingal parin ako. Tinignan ko siya ng masama

"Pupuntahan ko lang si Zieler." lumabas si Dreen ng kwarto at iniwan kaming dalawa. May benda siya sa ulo niya at may sugat sa pisngi

Iniwas ko ang tingin ko at nagkunwaring may inaayos ako

"Mine..."

"Mine naman eh."

"Sorry na, mine?"

"Siguro naman magtatanda kana ngayon?"

"Oo na, oo na. Pansinin mo lang ako please, mas lalong kumikirot ang sugat ko eh." tinutok ko sa kanya ang kutsilyo na nakuha ko sa mesa, napaatras naman siya "eh kung dagdagan kaya natin?"

"Mineee, Sorry, please." inangat niya ang mga braso niya para iparating na gusto niya akong mayakap

Hindi ko siya pinansin "anong nangyari bakit naaksidente ka?"

"Nakatulog ako," binaba niya ang mga kamay niya dahil nangangawit na iyon "nabangga ako sa isang nakaparadang truck..." pumikit ang kaliwa niyang mata hinihintay na bulyawan ko siya "tapos?"

"Ayon, nabunggo ako sa manobela nawalan ako nang malay."

"Anong sabi ng doctor?" kalmado ko paring tanong

"Bukas, kapag hindi sumakit ang ulo ko pwede na raw akong umuwi, mine please.."- sinenyasan niya akong lumapit sa kanya, bumuntong hininga ako at umupo sa tabi niya

Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)]  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon