CHAPTER 24

42 3 0
                                    

[SHECAINAH]


"Sorry, I need to do this."

"No, no, no, please..."

"I'm breaking up with you, Shen."

"GELOOO!... " Napabalikwas ako ng bangon at kasabay noon ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko

"What happened?" lumapit agad siya sa akin, mabilis ko siyang niyakap at umiyak "n-nanaginip ako, nakikipaghiwalay ka raw sa'kin.." mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin

"Shhh.. hindi mangyayari yun, okay?"  napailing ako, this past few days nakikita kong may nagbabago sa kanya, sinubukan ko siyang tanongin pero ang tanging sinasabi niya lang ay may kailangan lang siyang gawin sa trabaho kaya nagiging busy na siya

Isang linggo palang ang nakalipas noong nagcelebrate kami ng anniversary namin sa Batanggas.

"But, it's feel likes it meant to happen, mine." hinawakan niya ang baba ko at pinatingin sa kanya, hinalikan niya ako. Mabagal na halik "I don't want it.." aniya "you have work right? if you can't I'll call Zynx." mabilis akong umling

"Papasok ako," tumayo na kaming dalawa, lumabas siya ng kwarto ko, pumasok naman ako sa cr para maligo

Pagkatapos kong maligo at magbihis wala na siya sa kusina, madalas ay kapag nauuna siyang magising siya nalang ang nagluluto pero ngayon hindi.

Sinilip ko siya sa kwarto niya, nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakita, nakaharap siya sa laptop niya, nakikita ko rin siya minsang sinasabunutan niya ang sarili niya dahil sa fustration. Gusto ko siyang damayan at tanongin kung ano ang problema pero natatakot akong baka mas lalo lang akong makasira

Pumunta nalang ako sa kusina para magluto, may dalawang oras pa naman ako. Nang matapos ako pinuntahan ko siya ulit sa kwarto niya, pero nakatulog siya habang nakayuko lang sa table

Hindi ko nalang ginising dahil kailangan niya yun, umalis ako ng condo at iniwanan ko lang siya ng note na umalis na ako. Nakasakay na ako sa eroplano pero hindi parin siya nagtetext hanggang sa pinagbawalan na ang paggamit ng gadgets

Lutang ang utak ko, hindi ko alam kung ano ang totoong problema ni Gelo

"Maam, coffee or juice?"

"I prefer, coffe☕." kinuha ko yung juice in can at yun ang binigay ko sa kanya

"I SAID COFFE!" nabitawan ko sa gulat ang juice, mabuti nalang at hindi nabasag. Napatingin na lahat ng pasahero sa amin maging ang mga nakaidlip ay nagising din

"Sorry.. sorry po." nanginginig ang mga kamay kong inabot sa kanya ang kape, ang sama pa ng tingin niya sa akin. Parang maiiyak ako, nagulat ako sa pagsigaw niya at parang iyon ang naging hudyat para magising ako sa katotohanang

Na merong nagbabago kay Gelo.

Pinilit kong ituon ang atensiyon ko sa trabaho ko, halos mapatalon ulit ako ng may umalingawngaw na iyak ng bata

Lumabas ako mula sa pinagpapahingahan namin para puntahan yun

Iyak ng iyak ang isang batang lalaki, ang nanay niya ay natutulog. Mga 5 years old siguro siya

Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)]  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon