[SHECAINAH]
"Ma mimiss ko po kayo"- niyakap ko silang lahat naiiyak na ako "wag po kayong mag-alala kapag nakapagpatayo na ako ng bahay doon sa Maynila, kayo naman ang pupunta doon, pangako yan."
"May tiwala kami sayo anak, basta alagaan at ingatan mo ang sarili mo doon. Wala ako doon para maalagaan ka."
"Kayo rin, mag-ingat kayo dito. Mahal ko kayo."
"Mahal ka rin namin, ate Shen"- bago pa ako tuluyang humagulhol pumasok na ako sa loob ng kotse at doon umiyak
"Shhh, tama na. Diba ikaw mismo nagsabi magkikita pa kayo ulit, tutuparin mo pa mga pangarap nila"-
"Alam ko naman yun eh,"
"Oh, don't cry,"
"Alam ko ring, matagal pa yun. Nagsisimula palang ako"-
"Ikaw pa ba? Kaya mo yan, nandito lang ako suportahan kita"- sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya at hinaplos ang buhok ko para patahanin ako
"Nd ka magkabalaka, mahulat gid ina ni mama kag papa ang mga gin pangako mo (wag kang mag-alala, mahihintay yan nina mama at papa ang mga pinapangako mo"-
Pagkarating sa airport, nagkulitan pa kami ni kuya kahit tumutulo na ang luha ko "maghalong ka diri huh (mag-ingat ka dito huh)"-
"Oo naman ikaw ang mag-ingat doon, alagaan mo kapatid ko huh"- tumango naman si Gelo at ngumiti
"Ang pangit!"- sabi niya ng makita ang mukha ko, namamaga yung mga mata ko kakaiyak "edi ewan mo ako"-
"Nagtampo agad?"- nakasakay na kami sa eroplano
'hala! Kamusta kaya si Xy? Nanalo kaya siya? Nagtampo kaya siya sa amin?'
Napagod ako kakaiyak kaya nakatulog ako sa isang oras na flight
"Are you feeling better now, mine?"- nginitian ko siya, wala na kaming dalang maleta, mga back pack nalang namin na sinukbit niya sa likuran at unahan niya. Blue at Pink pa yun
"Sa wakas! Nandito kana, kuya ko!"- sabay kaming napailing sa ingay ng boses ni Clam, siya lang mag-isa "ang daming trabahooo!"-
"Ang sabi ko si Dreen ang magdala ng kotse ko dito ah"
"Kaya nga mas lalong dumami ang trabaho, dahil gumala rin ang lolo natin"- tumabi siya sa akin at hinatak ako palayo sa kuya niya "kayo na?"- bulong niya, bigla naman akong namula
"Hoy Clam-pots, personal property ko yan"- inakbayan niya ako at linayo sa kapatid niya
"Possesive Nick na ba this?"-
"Ikaw lang"- hinablot niya ang susi ng kotse niya sa kamay ni Clam at marahan akong hinatak pasakay doon "ay hindi niyo ako pwedeng iwan, mga walang utang na loob!"-
Pagkaupo ko sa shotgun seat biglang tumunog ang selpon ko, sumilip naman si Clam na nasa backseat
Joy calling...
"Oyyy"-
"Oh bakit ganyan boses mo?"- nakatingin lang sa akin ang dalawang lalaki
"Hindi na approved ang Visa ko"-
"Huh? Baket?"-
"Hindi raw valid"- sumisinghot-singhot pa siya sa kabilang linya "kung alam ko lang na hindi naman matatanggap, sinamahan ko nalang si Xy"
"Nandito kami sa labas ng airport nasaan ka?"-
"Palabas palang"- lumabas ako ng kotse para makita ko siya, bigla rin lumabas si Clam 'mauna na ako' sabi niya at sumakay sa taxi na kakadaan lang, ng makita ko na siya, lumong-lumo ang mukha niya
BINABASA MO ANG
Doubting To Love [Guevarra Brothers Series #1 (GBS)] (COMPLETED)
RomanceNick Angelo Guevarra is the smartest among the 5 Guevarra brothers, he often smiles and laughs only at his brothers, he never smile genuinely to anyone, he has the cold aura. The favorite kuya of four Guevarra, he stand as their parents, guide them...