Chapter Eleven: Tears

4 0 0
                                        

Chapter Eleven: Tears

Naglalakad ako sa corridor papunta  sa locker, kukunin ko yung libro ko, medyo maaga pa naman kaya medyo binagalan ko ang lakad ko.

Si View naman hindi ko mahagilap dahil sobrang busy niya, hell week e.

Waiting to put my feet on the ground

I'm tired of going up and down

But sometimes, it feels safer, waiting

Parang pamilyar yung boses, nanggagaling dun sa garden, ang dead end nitong corridor ay yung garden na pi-nut up ng highschool department.

It's beautiful at the top, but I never really get a chance to stop

It feels like, I'm falling again

Bawat pag-kalabit niya ng gitara at pagsabi ng bawat linya ay napapapikit siya, mukha siyang anghel.

Doors are opening, doors are closing

People come and go, but I'm still riding elevators

Never here or there on the ground, or in the air

People come and go, but I'm still riding elevators

Bawat salita tagos. Nagulat ako ng tumigil yung tugtog, kasabay ng pagpatak ng luha ko, narinig ko ang mga yabag niya.

Nasanggi niya ang balikat ko ng dumaan siya sa gilid ko. Kasabay ng pagpatak ng luha ko. I was standing there. Frozen.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko tinawag ko siya, hoping to see his smile like two years ago, "Aerol."

Tumigil siya sa paglalakad, kitang-kita ko kung paano niya ipatong ang gitara niya sa kanyang balikat,"What?"he spat out

"Mahal kita."hindi ako makagalaw ng maayos at malamig na ang palad ko, hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon, ang gusto ko lang is to get everything over. To know the real score.

One minute he's there, showing that he loves me then next he will ignore me and dump me whenever I got the strength to talk to him.

Humarap siya at tinitigan niya ako sa mata, alam kong gasgas na to pero yun ang totoo walang buhay ang mata niya.

Lumapit siya sa akin at bawat hakbang niya ay pabilis na ng pabilis ang tibok ng puso ko, tumungo siya at napapikit na lang ako.

Naramdaman ko ang malambot niyang labi, as his lips brushed against mine, mas lalo kong narealized kung gaano ko siya kamahal, no one can replace him.

Lumayo na siya at saka tumalikod, "Sorry I never loved you."

"And oh, wag ka ng magpapakita sa akin, you remind me the pain of breaking up with Lira... Wag ka ng lalapit."

Nagsimula na siyang maglakad papalayo my vision was blurry because of those traitor tears.

Bakit ba ang hilig kong umiyak?Hindi naman ako iyakin nung bata pero nung makilala ko si Aerol parang naging hobby ko na.

Agad kong pinahid ang luha ko and the next thing I knew ay bumagsak si Aerol sa lupa after that resounding punch that Pierre gave him.

"Are you okay?"nilapitan niya ako at pinahid ang luha ko, I was rendered speechless, hindi ko kayang magsalita, ganito naman ako e, kapag may problema tinatakbuhan ko na lang, I was a good runner.

"P-pierre... Sorry. Please."

Niyakap niya ako at inalalayan ako papunta sa may bench, ng makaupo ako ay niyakap niya ulit ako, "Don't be, it's not your fault."

Crumpled PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon