Epilogue

0 0 0
                                    

-Last Chapter-

Marianne Jaz Sandoval

First of all I want to tell you how much I love you , hinding-hindi kita makakalimutan. Ikaw lang ang nag-iisa, noong una akala ko si Lira ang mahal ko, yun pala na-miss lang kita, hinahanap ko ang atensyon na nanggagaling sayo at kay Lira ko natagpuan ang atensyon na yun.

Gusto kong mag-paliwanag kaya lang huli na ang lahat. Basta gusto kong malaman mo kung gaano kita kamahal.

Dadalhin ko ang alaala mo sa kabilang mundo, wag mo akong kakalimutan dahil ako hindi kita malilimutan.

Ilang beses kitang sinaktan at humihingi ako ng sorry.

Mahal kita Yen. Mahal na mahal.

-Aerol Hades Ledesma

Sa huling pagkakataon ay tumulo ang luha ko, andito ako sa park nakaupo sa may swing at inaalala ang lahat.

Muntik na akong mag-suicide. Nakakatawa. Umalis si Pierre at namatay si Aerol.

Flashback

"Please nay, gusto kong makita si Aerol."naiiling na tumingin si nay kay Tay

"Ate, kumain ka muna."

Naiinis na ako bakit ba ayaw nilang ipakita sa akin si Aerol?Di naman mahirap ang hinihingi ko ah. Gusto ko lang makita si Aerol.

Bumaba ako ng kama at lumuhod sa harap ni Nay, "Please Nay, please... Dalhin niyo ako kay Aerol."

Naupo si Nay at niyakap ako habang umiiyak, siguro naramdaman niyang hirap na hirap na ako, "Sssh, please Yen, stop crying."

Pag-karating namin ay agad kong nakita ang itim na coffin at ang malaking picture ni Aerol.

"N-nay, tell me I'm dreaming."

Tumingin sa akin si nanay ng puno ng awa, tumutulo rin ang luha niya.

Nangangatog ang tuhod kong sumilip sa kabaong niya, gwapo pa rin siya, mukha lang siyang natutulog. Unti-unti akong bumigay, gusto kong tumakbo. Gusto kong magbigti na lang, pakiramdam ko wala na akong silbi.

I want to stop my misery.

Umiyak ako ng umiyak, parang hindi ko kaya, tatakasan na ako ng katinuan, ano bang ginawa kong mali para maramdaman lahat ng sakit na ito?

Lumapit sa akin si Nay at niyakap ako, "N-nay, natutulog lang siya di ba?"

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa akin at hinila niya ako pabalik sa kotse.

Buong gabi akong umiyak ng umiyak.

Wrong timing ka Pierre, iniwanan mo pa ako.

-END OF FLASHBACK-

Hindi ako kumakain, nag-kulong ako sa kwarto ko at hindi na ako makalabas ng bahay, parang wala ng dahilan para mabuhay pa ako.

Ilang beses kong binalak mag-pakamatay. Uminom ng maraming gamot, bigti, at pag-lalaslas.

Muntikan na akong mabaliw, dinala nila ako sa rehab, 3 buwan ako dun, sumuko na rin siguro sina nanay nung time na yun, masyado na silang nahihirapan sa mga nangyayari sa akin.

Totoo nga na yung mga masasakit na nangyari kahapon kapag nalampasan mo na at naka-move on ka na ay tatawanan mo na lang.

Kasi ako ganun, tinatawanan ko ang sarili ko kapag naalala ko kung gaano ako ka-desperada na mag-pakamatay.

Mahal na mahal ko si Aerol pero kinuha na siya ng Diyos, kaya wala akong magagawa.

Some people are meant to fall inlove with each other but not meant to be together.

Nag-breakdown ako nun. Sobra. Hindi ko kinaya. Ang sakit e. Sabihin niyo na tanga ako.

Buti na lang andyan si View para damayan ako. Hindi niya ako iniwan. Sinuportahan niya ako. Pagkalabas ko ng rehab ay nag-aral ako ng photography.

4 years na ang nakakaraan pero hindi pa rin bumabalik si Pierre, ang tagal ko na siyang hinihintay.

Tinupi ko ng maayos yung sulat ni Aerol at inilagay sa wallet ko, pinahid ko ang luha ko at ngumiti ako.

May nakita akong butterfly na nakadapo sa bulaklak at kumukuha ng nectar kaya kinuha ko ang ang DSLR ko at agad yung pinicturan.

Pero may ibang nakuha ang DSLR ko, isa yong lalaki na may kulot at naka-ponytail na buhok, naka-sunglasses ito.

Naka-pamulsa ito at nakalabas ang signature niyang dimple.

Hawak ko pa rin ang camera ko ng dahan-dahan ko itong ibinaba.

Lumakad siya papalapit sa akin, "Ang tagal mo namang dumating..."sabi ko

Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya, binuhat niya ako at umikot siya.

"Ang payat mo Jaz, parang hindi ka na kumakain ah."

Nginitian ko siya at hinalikan ko ang pisngi niya, ibinaba niya ako, "Akala ko ba two years lang Marco?E bakit naging doble yata?"

Ibinaba niya ako, "Kailangan kong mag-ipon para may pera ako pagdating ko. Paano kita liligawan kung wala akong pera?"

Hinampas ko ang dibdib niya, "Hindi ka pa rin sumusuko ah."

Lumuhod siya sa harapan ko, nabigla ako pero kitang-kita ang sincerity sa mga mata niya, "Of course Yen, its always you after all these years ikaw pa rin. I still love you. Sabi ko naman sayo hintayin mo lang ako at babalik ako.Wala e, ikaw pa rin talaga."

Crumpled PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon