Chapter Five : Still Mad

5 0 0
                                    

Ginamit niya ang kotse ko sa paghahatid sa akin, siguro dahil di pa niya nakukuha yung kotse niya dun sa bar.

Napangiti pa rin ako pag naalala naihahatid niya ako.

Walang nagsasalita sa aming dalawa habang nasa biyahe.

Nakakabingi ang katahimikan.Tumingin ako sa kanya, sakto namang nagtama ang aming mga mata.

Agad siyang umiwas.He looks so sad.Yung mata niya.Walang buhay.

Nakarating na kami sa bahay, inihatid niya ako hanggang gate dahil ayaw niyang pumasok, "Thank you."

Hindi siya nagsalita at dumiretso na para pumara ng taxi.

"Whoa! Ate what happened to you?"sabi na e, knowing Christian, he will pester me to death

Hindi ko siya pinansin masyadong mabigat ang loob ko at higit sa lahat pagod ako.

"I mean yung suot mo.Bakit ganyan?"

Hindi ko pa rin siya sinasagot, mas lalo na yata kung pumasok si Aerol mas lalo niya akong pagdududahan.

Ikaw ba naman ang umuwi ng naka-boxer shorts at naka-damit ng panlalaki?Anong iisipin nila?

Buti na lang naka-alis na sina Tatay dahil kung hindi malaking gulo ito.

Pareho kaming nagulat ng may nag-doorbell ng sunod-sunod.Agad namang pinuntahan  ni Manang.

Napa-upo na lang ako sa couch, "Seriously Ate?!"

Tsk.Pinagdududahan pa rin ako.

Tinititigan niya ako ng masama,na parang may ginawa akong hindi tama.

"Tigilan mo nga ako!Wala akong ginagawa."napahilot na lang ako ng sintido ko

I need a break.Masyado akong pagod.

"Pero--"

"Christian, pagod ako okay?Please... just leave me alone.Just give me five minutes to gain my strength para magpaliwanag okay?"

He just nod.

Nagulat kami ng biglang may bumukas ng pinto.

"Yen!"another disaster

Humahangos siyang lumapit sa akin, she's panting.

"Nakita ko si Aerol kanina diyan sa labas at at at bakit ganyan ang suot mo?"

Sumabat si Christian, "Ate si Aerol?Inihatid ka niya?Damit niya ba yang suot mo?Asan yung mga damit mo."

Napa-pikit na lang ako, hindi ko naisip na ganito pala ang kalalabasan ng pagsuot ko sa damit ni Aerol.

Humarap naman sa akin si View ng nakapamewang, "Nakita ka raw ni Ana sa condo ni Aerol last night?Anong ginagawa mo dun?"

Dinuro niya ako at tiningnan naman ako ng masama ni Christian, "Yen, don't tell me may nangyari sa inyo?Sinuko mo na ba?"

Hinilot ko ang sintido ko, "Tigilan niyo nga ako.Please... I'm tired.Pagod na pagod na ako.Gusto ko ng break."

Natahimik naman yung dalawa, umakyat na ako sa kwarto ko at saka nagpalit ng damit.

Natawa ako, feel na feel ni Christian na lumapit kay View.

May hidden desire siya kay View.Nung isang araw nga hiniram ko yung phone niya at I swear si View ang wallpaper.

Humiga na ako.I'm so tired, nahiga ako sa kama ko.I miss rolling here.

Nagpagulong-gulong ako sa kama.Ang lambot miss na miss ko to.

Malambot rin naman yung kama ni Aerol kaso naamoy ko yung musk niya sobrang bango.

Hindi naman ako matutulog kaya lang gusto ko ng tahimik, I've been through a lot.Kailangan ko ng katahimikan.

"Ano ka ba?Wag kang sumiksik."narinig kong may nagsalita sa kabilang pinto, si View

"Ate ko yan.Baka gusto mong palayasin kita dito?"

"Tsk.Isip bata ka talagang Christian ka!"

Nag-aaway sila hindi ko maintindihan, medyo naiinis na siguro si Christian, "Sige sinong bata?Mag-ingay ka pa, hahalikan kita!"

Natahimik naman si View.Lumapit ako dun sa may pinto para buksan iyon at pagkabukas ko ay natumba si Christian at nahulog naman si View sa ibabaw niya.

Nakatingin ako sa kanila habang hawak pa rin ang doorknob ng pinto, "Ehem.Baka gusto niyong tumayo?"

Agad namang tumayo si View at  pinagpagan ang damit niya ganun rin naman si Christian, kaso si Christian namumula si View naman dakdak ng dakdak.

"Ikaw, yan!Nabuking tuloy tayo!"sigaw ni View

Nakapamewang ko silang tinanong, "Sino ba naman ang may sabi na sa pinto ko kayo tumambay?"

Napakamot ng ulo si Christian.Si View naman nakatingin sa kisame.

Nagsalita si View, "Ka-kasii..."

"Kasi ano?"

"Kasi ano ba kasing nangyari sayo?Kagabi lang andun ka sa condo ni Aerol tapos ngayon naman, inihatid ka niya tapos ganyan pa suot mo, tapos sabi mo pagod ka.Alam mo naman siguro kung anong iisipin namin di ba?"

Dire-diretso niyang litanya.

Kapag nakikita ko yung dalawa kung gaano sila kaaligaga di ko maiwasang matawa.

Kumunot ang noo ni View, "Bakit ka tumatawa?"

Mapaglaruan nga tong dalawang to.Ang cute nila e.

"E ano naman kasing ikinagagalit niyo?"

"Ano ba kasing ginawa niyo ni Aerol,saka bakit mo suot yung damit niya,may nangyari ba,Ate?"singit ni Christian

Haha.Ano kayang magiging reaksyon nila?

"E ano naman, wala namang masama di ba?I love him.And I'm willing to give every piece of me para sa kanya."sabi ko habang nakapamewang

Believe me when I say na nalaglag yung panga nilang dalawa, its epic.

Hahaha.

"Bakit ka tumatawa?Wala na.Wala na.Hindi ka na inosente.Sinuko mo na ang perlas.Ano ba yan?Bakit ako naiiyak?"parang naghihinayang na sabi ni View

Sumingit naman si Christian, "Ate di ba dapat sa asawa mo yun ibibigay?Paano na ang pakakasalan mo?"

Tumatawa pa rin ako, ang epic talaga, "Hindi naman virginity ko ang pakakasalan ng future husband ko di ba?"

"Ano ba Yen walang nakakatawa!"

Sumingit si Christian, "Sino bang tinatawanan mo?May dumi ba kami sa mukha?"

Tinuro ko silang dalawa, "Kayo, ang dali niyo kasing lokohin.Gullible.Haha."

Napahilamos si View sa kamay niya, "Hindi yun totoo?Jusko pinakaba mo akong baliw ka!"

Nakakunot pa rin si Christian, "Hindi ako naniniwala.Bakit ganun ang suot mo kanina tapos dun ka pa sa condo niya natulog?"

Natigilan si View sa paghampas sa akin, "Oo nga."

Napabuntong hininga ako, "E kasi nga sinukahan niya ako, galing ako sa bar kagabi, balak kong uminom kaya lang nakita ko si Aerol at umalis na ako pero hinila niya ako at sinukahan."

Itinuloy ni View ang kwento, "Inihatid mo siya sa condo niya at naghanap ka ng maisusuot at ang matino mo lang na nakita ay yang boxer shorts at yung malaking shirt?Dahil gabi na hindi ka nakauwi kaya dun ka natulog sa tabi ni Aerol at may nang--"

Sinapok ko siya, "Tanga, dun ako natulog sa couch pero pag-gising ko nasa kama na ako at nasa couch na si Aerol."

"Wala ka namang naramdamang kakaiba?"tanong ni Christian

"Wala naman, ang energetic ko nga pag-kagising kaya lang--"

Tinuloy na naman ni View, "Kaya lang nag-away na naman kayo--

Pinutol ko siya, "He's still mad at me."

Crumpled PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon