Chapter Twelve: Stuck at the moment

2 0 0
                                        

Chapter Twelve: Stuck at the moment

Itinulak ko siya at hinagilap ang cellphone ko, inilawan ko ang elevator at mukhang na-stuck nga kami.

Naupo na lang ako dahil alam kong wala akong magagawa kundi ang maghintay kasama siya.

Kinapa ko yung sahig at hinanap yung beer na nahulog kanina, binuksan ko iyon at nag-simulang laklakin iyon, hindi naman ako lasinggera. I just want to drown this crazy feelings.

-AEROL-

Naka-upo ako sa sulok. Hindi ko alam ang gagawin. Madilim.

Binuksan ko yung cellphone ko at tiningnan ang wallpaper ko. Ang ganda niya, pero mas maganda siya sa harap-harapan.

Itinapat ko ang ilaw ng cellphone ko sa mukha niya, mukha siyang anghel na bumaba sa lupa.

Siya ang wallpaper ko, siya ang mahal ko.

I love you too Yen. I'm sorry it's not my intention to hurt you.

Mahal na mahal kita, pero hindi ko kaya...

Mahal kita kaya lang hindi ko kaya... Hindi kita pwedeng mahalin, dahil masasaktan ka lang, "Maniwala ka, lahat ng ginagawa ko ay para sayo..."

Kailangan mong matutong kamuhian ako, kailangang iwaglit mo ako sa isipan mo, dahil masasaktan ka lang.

"I love you."hinawi ko ang mga buhok na nakakalat sa mukha niya at hinalikan ang noo niya

Bigla namang nabuhay ang elevator at bumukas ito, agad kong inihatid si Yen sa unit ni View.

I hope you'll understand. Promise, this will be the last. Kalimutan mo na ako.

Ayokong saktan ka pero kailangan, kailangan mo akong kamuhian at kalimutan, you deserve better, si Pierre, mahal ka niya ng sobra... Something that I can't give.

I want to spend the rest of my life kasama ka, kaya lang I don't want to see you in pain kapag kasama mo ako. Mas mabuti na 'to dahil ang sakit na ibininigay ko sayo kapag pinagtatabuyan kita ay pangmadalian lamang. Hindi kagaya ng sakit na maaring iwan ko sayo.

Masyado na siyang dependent at attach sa akin, to the point that she can't see other guys. Ako lang ang nakikita niya, at yan ang bagay na ikinakatakot ko.

****

"Anak, sorry hindi ka namin masyadong napag-tuunan ng pansin... A-anak mahal na mahal ka namin... S-sorry."

Naiiyak akong sumagot, "O-okay lang yun ma. Alam ko namang masyado kayong busy. "

Niyakap niya ako, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko, "Kakayanin mo 'to."

Nginitian ako ng mama ko, kasabay ng pag-patak ng luha ko.

Pumasok kami ng buo ang loob na malalampasan ko ' to.

Hawak ng doctor ang results ng test, na ginawa sa akin kanina.

"Mr. Ledesma, ano nga pala yung mga unsual na nararamdaman mo these past few days?"

Tumingin ako kay mama at tumango siya sa akin, feeling ko ang duwag ko. Sa mga pagkakataon na ganito ang gusto ko lang ay magtago sa likod ni mama at yakapin niya ako, feeling ko bumabalik uli ako sa pagkabata.

Tumingin ako sa doctor at kinakabahang sumagot, "Last week I easily get tired, at palagi akong nahihilo, kinakapos rin ako ng hininga at palaging dumudugo ang ilong ko, at ito."ipinakita ko yung braso ko na puro pasa

Tumingin yung doctor dun sa test results, at tumingin siya sa akin, "Sorry.",tumingin siya kay mama, "Mrs. Ledesma, your son has Leukemia."

Napa-nganga si mama at agad niyang tinakluban ang bibig niya, "My son, oh my son. Sorry."niyakap ako ni mama at hinalikan ang pisngi ko

Nagpa-tuloy sa pagsasalita yung doctor, "Leukemia is a cancer of the early blood forming cells. Most often, leukemia is a cancer of white blood cells. Pero maari natin yang pigilan, you can undergo chemotherapy."

"Ma, ayoko."

Tinitigan ako ni mama, "Aerol ito lang ang paraan."

"Ma, ayoko talaga."

Alam ko naman na eventually mamatay ako kaya di na kailangan ng chemotherapy. Hindi nila ako maloloko. Hindi na ako bata. Alam kong imposible na akong gumaling.

-YEN-

Medyo matagal naa rin nung huli kaming magkita ni Aerol. Yung eksena sa elevator.

Miss na miss ko na siya. Parang di ko na kayang mabuhay ng wala siya.

"Please, Yen just give me one more chance."

Napa-upo ako sa swing habang pinapakinggan si Pierre, he's a good guy. Hindi kami bagay. Sasaktan ko lang siya.

Mahal ko pa rin si Aerol e. Wala akong magagawa, gusto kong ipagtabuyan si Pierre, kaya lang natatakot akong mawalan ng masasandalan.

O natatakot akong mawala siya, dahil siya lang ang nagmamahalnsa akin ng totoo.

"Pierre, hindi kita mahal."

Natahimik siya, tumayo siya saka tumalikod na, "Makakalimutan mo rin si Aerol."

"There's only 1% na maari ko siyang makalimutan."

Pinagmamasdan ko siyan maglakad papalayo, "I will hold on that 1% percent, ang 1% na yan ang pag-asa ko."

Hindi ko siya sinagot, "Mahal kita Yen. Mahal na mahal. Wag mo akong kakalimutan okay?"

Lumingon siya sa akin saka ngumiti, "Hihintayin kita, Yen."

Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin kaya nagkibit balikat ako at naglakad na para mamasyal.

Pero may nakita akong pamilyar na tao. Aerol

Tumakbo ako pero hindi ko siya maabutan, tinatawag ko siya pero hindi siya lumilingon. Napagod ako katatakbo at napahawk ako sa tuhod ko, habang hinahabol ang aking hininga.

Naupo ako sa may bench at wala sa sariling nagsalita, "Mahal pa rin niya si Lira."

Umuwi na ako. Alam kong wala na akong pag-asa na makita pa si Aerol. Ang layo-layo niya.

Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa, kung duwag lang ako kagaya ng iba diyan di sana tumakbo na lang ako kay Pierre at pumayag na makasama siya.

Pag-kauwi ko sa bahay ay agad na sumalubong si Christian sa akin, "Ate mukha kang devastated. Mukha kang ewan."

Inirapan ko siya, "Kaya nga kamukha kita di ba?"

Umakyat ako sa kwarto.

Sinalubong ako ng mini calendar na nakapatong sa night stand ko.

November 13 na pala apat na araw na lang birthday na niya.

Nag-palit ako ng pajama at nahiga na sa kama, naghihintay na dalawin ng antok.

Crumpled PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon