Chapter One: He's Drunk

20 0 0
                                    

Chapter One: He's Drunk

-AEROL-

"Okay lang yan. Maraming babae dyan!"

"Move on na Aerol."

"Malalampasan mo rin yan."

Everybody kept on telling me to continue living my life. But I can't! They don't even know how hard it is to move on.

Its been two years ng maging kami ni Lira. Two years.

Pero nag-break rin kami. We're so sweet, so happy, so freaking inlove!

Sabi niya hindi ko daw siya mahal. Pero mahal ko siya.

"Aerol, alam kong hindi mo ako mahal. I can see it in your eyes. You love your bestfriend. Si Yen. Si Yen ang mahal mo."

Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya pero hindi pa rin ako nagsasalita. I just kept on whispering na wag siyang umalis.

"Aerol go with her. And you'll understand how true love feels. Thank you for your sweet nothings. Magiging mas masaya ka kapag kasama mo siya. Si Yen, she loves you."

Umalis na siya but I kept on muttering that I love her. She left me.

Napasabunot ako ng maalala yung araw na yon. That day. She broke me into pieces.

Kinuha ko yung bag ko at binuksan yung alak na kanina lang ay binili ko. Nasa likod ako ng school namin kung saan palagi kaming tumatambay ni Lira.

Pagkatapos kong matungga yung isang bote ng alak ay naglakad na ako. I felt dizzy. Alam kong lasing na ako but I manage to walk.

Kung saan saan ako napunta hindi ko naalam ang ginagawa ko. Basta ang alam ko I love Lira.

But then I saw her. Yung babaeng sumira ng relasyon namin ni Lira. Yen, I'll make you taste the living hell.

Nasa gitna siya ng field kasama yung kaibigan niya. Si View. I know her. Alam ko lahat ng tungkol kay Yen she's my bestfriend. Before.

View is concentrating on her phone, samantalang si Yen naman ay naglalaro ng chess mag-isa.

I know how she loves chess.

I feel really dizzy. Parang umiikot yung mundo ko. Masakit din ang ulo ko. Parang binibiyak. Ugh!

Pa-ingka ingka akong maglakad. Pero pinipilit kong lumapit. Gusto ko talagang gumanti. Lira left me because of her.

-YEN-

Ang ingay ng cellphone ni View hindi tuloy ako makapag-concentrate sa nilalaro ko. Naglalaro ako ng chess. Samantalang naglalaro naman ng 2Fuse si View.

Nasa gitna kami ng field since wala namang game. Tsaka maganda dito. Peace.

"Ano ba yan kahit anong gawin ko hindi ko matalo ang sarili ko." sigaw ko

Nagulat naman si View saka ako kinulbit at ngumuso para ituro yung papalapit.

"Baby."

Sinapak ako ni View, "Tanga manahimik ka nga. Pa-baby-baby ka pa."

Sinapak ulit ako ni View saka bumulong, "Hoy namumula ka."

Sino ba naman ang hindi mamumula kapag nakita mo yung taong hinalikan mo two years ago?

Hindi ko na siya pinansin dahil parang nagslo-slow motion ang lahat.

Tumayo ako at akmang tatakasan siya ng bigla siyang matumba at madagaanan ako.

"Ah! I'm so kinikilig." sigaw ni View

Kung siya kinikilig ako hindi! Ang bigat, saka amoy alak pa!

"Hoy babae! Tulungan mo ako! Buhatin natin to." sigaw ko kay View

Nagmamadali naman siyang tumayo para tulungan ako at dinala namin siya sa kotse ko.

"Geh Yen, uwi mo na yan. May klase pa ako e." sabi ni View habang sinasaraduhan yung pinto ng kotse

Wala na naman akong klase dahil hanggang 2:00 o'clock schedule ko ngayon.

Tinawagan ko si Mama at sinabing late na ako uuwi.

Saan ko ba dadalahin to?

Paano kita kakalimutan? Mahal pa rin kita.

Balita ko nag-break na sila ni Lira. Magdidiwang na sana ang puso kong sugatan kaya lang ng makita kong laging lasing si Aerol.

...mas lalo akong nasaktan

Dinala ko si Aerol sa condo niya since wala naman siyang matitirhan na iba dito sa Manila dahil nasa ibang bansa ang mga magulang niya.

Hirap na hirap ako sa pag-alalay sa kanya dahil triple yata ang bigat niya sa akin.

Buti na lang at nakita ako ni manong guard at tinulungan akong buhatin si Aerol papunta sa unit niya.

"Maam boyfriend niyo si Ser?"

Ay nako. Chismoso si Manong.

"Naku, hindi po. Kaibigan lang po."

Mukhang naniwala naman kaya hindi na siya nag-tanong pa.

Nakarating na kami sa unit niya, nanggigitata na ako sa pawis dahil sa kabigatan ng taong ito. Takaw pa man din. Jusko.

"Salamat Manong!"

Sumaludo naman ito, "Anytime maam."

Ala. Sana di niya pa napapalitan yung code.

Good thing hindi niya pa napapalitan. Dahil naku. Iiwanan ko siya dito.

Pagkapasok namin ay idineretso ko siya sa kama at pinalitan ng damit.

Pinapagalitan ko siya habang pinapalitan,"Ikaw kasiii.Inom ng Inom di naman pala kaya."

Ipinatong ko sa kanya yung blanket at nagsimula ng panoorin ang mala-anghel niyang mukha.

Tumayo na ako para umalis ng bigla niya akong higitin at maglanding ako sa ibabaw niya at di sinasadyang maglapat ang aming mga labi.

Hindi ko alam pero namula ang mukha ko. Naramdaman ko yung mainit niyang hininga, "Please, don't leave."

Tumayo na ako para, kumuha ng tubig dahil parang hindi ako makahinga.

Kailan ba kita iniwanan?

Crumpled PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon