Chapter Six : Dear Agony

8 0 0
                                    

Pupunta ako kina View kaya lang  tinatamad pa akong tumayo.

Niyugyog ako ni Christian, "Ate, sige na isama mo na ako."

"Wag mo kong yugyugin, masakit ang ulo ko."

Kanina niya pa ako kinukulit, gusto niyang sumama kina View.

"Ate.. "

Nagtakip ako ng unan at nagtulug-tulugan, ewan ko ba ang sama ng pakiramdam ko. "Hindi nga pwede."

"Ate gusto ko talagang sumama.Please."

Hindi ko nga alam kung matutuloy kami dahil ang sama ng pakiramdam ko tapos siya nangungulit na sumama.

Nakapikit pa rin ako, "Sige na.Sumama ka na."

Nagulat ako na pagkatapos ng five minutes ay nasa kwarto ko na si Christian at nakabihis na siya.

"Ano ba?Bakit ang bilis mo, sabi ko mamaya."

Umakyat siya sa kama ko at dun nagtatalon, seriously grade 9 na ba talaga 'to?

Hinila niya ako at itinulak sa CR. "Uy, ano?!Mag-hintay ka nga."

"Maligo ka na!"tumakbo na si Christian palabas ng kwarto ko

Pag-katapos ng isang appealing bubble bath ay lumabas na agad ako para magdamit.

Ang sakit talaga nang ulo ko.Masama ang pakiramdam ko, pakiramdam ko mag-cocollapsed ako anytime.

"Ugh, bakit kasi ngayon ka pa sumakit?"sigaw ko habang hinihilot ang sintido ko

Wala akong balak mag-paganda kaya nag-suot na lang ako ng plain na t-shirt at maong shorts.Since masama talaga ang pakiramdam ko at medyo nilalamig nagsuot ako ng cardigan.

Kinuha ko ang susi ng kotse, "Christian asan ka na?"

"Andito ako Ate!"hinanap ko siya at dun ko siya natagpuan sa loob ng kotse ko

Napangiti ako kahit na masakit ang ulo ko, "Excited much?Miss mo na si View?"

Habang naglalakad ako parang umiikot ang mundo ko.

Napahawak ako sa sintido ko at napahawak sa kotse ko, agad namang pumunta si Christian papalapit sa akin, "Ate okay ka lang?Pwede namang magpahinga ka na lang muna e."

Sinapok ko siya, "Ikaw 'tong pilit ng pilit kanina pa tapos ngayon hindi tayo matutuloy?Abnormal ka talaga kahit kailan.Sayang effort ko, tara na!"

Pinilit kong mag-drive dahil walang maghahatid sa amin dun, wala si Manong dahil nanganganak yung asawa niya.

"Ate ako pag-namatay ng maaga!"pagbabanta ni Christian

Ilang minuto pa ay nakarating na kami kina View.Salamat sa Diyos at naka-rating kami ng buhay.

Pagkarating namin ay agad siyang tumakbo papasok ng bahay ni View.Puppy love, Christian.

"Oh asan ang ate mo?"tanong ni View kay Christian

Umupo ako sa couch nila dahil parang hindi ko kayang mag-lakad, "Andito ako."

Birthday kasi ng nakababata niyang kapatid na kambal.

Si Clyde at Cyril.

They're a total opposite.

Nang makita ako ni Cyril ay agad siyang tumakbo papunta sa akin, "Hello Ate Yen."hinalikan ko siya sa pisngi, "Happy birthday, Cy."

Ako lang si Christian, View, mga magulang ni View, si Clyde at Cyril lang ang tao.

Ayaw kasi nila ng maraming tao.

Crumpled PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon