Special Chapter: Papu & Mamu

10 0 0
                                    

3 years later.

-YEN-

"Pa-pa."

"Paaaa--pa."

Tumingin ako dun sa dalawa na kumakain sa garden. Ang saya-saya nila.

"Mamumu..."

Napakamot na lang ng ulo si Pierre, kanina niya pang vinivideohan, si Hid ng pagsasalita ng papa pero palaging mamu ang sinasabi nito.

"Marco!"kumaway ako at pinuntahan sila sa garden

Kinuha niya si Hid sa walker nito at agad akong sinalubong. Hinalikan ko si Hid sa pisngi at nag-simula na naman ito sa kablablab niya, "Mamu.."

Sumimangot si Pierre, "Jaz, palagi na lang mamu, sinasabi ni Hid."

Kinuha ko si baby sa kanya at kinuha niya naman ang stroller nito, habang naglalakad kami papasok sa bahay ng mag-simulang laruin ni Pierre si Hid, pinisil nito ang ilong ni Pierre saka sinabi ang mga katagang matagal niya ng hinihintay, "Papu... "

Nanlaki ang mata ni Pierre at saka niya kinuha si Hid sa akin saka sila nag-paikot-ikot, "Tinawag ako ni Hid ng papu!" inamoy ni Pierre ang leeg ni Hid at naupo sila sa sofa

Para sa akin ito ang happy family, ang aking happy ending.

Si Hid Marco Aeroz Keitweizer ang regalo sa amin ng diyos. Ito ang bunga ng pagmamahalan namin ni Pierre.

Akalain niyo yun? Makaka-move on papala ako at magmamahal pa.

At si Hid ang patunay kung gaano ko kamahal si Pierre.

Hindi ko inakalang mamahalin ko 'tong kulot na 'to.

Akala ko patuloy na lang akong magmumukmok at magkukulong dahil sa nangyari kay Aerol.

Ilang beses kong ni-reject si Pierre, at palagi kong sinasabi na sasaktan ko lang siya, kaso hindi niya daw kayang tumigil.

He's too intoxicated with my beauty.

Nakakatawa akala ko si Aerol parin yun pala unti-unti na akong nahuhulog kay Pierre, at sa pagkakahulog kong iyon ay hindi ako nasaktan dahil sinalo niya ako.

Hindi ko kinalimutan si Aerol dahil naging bahagi siya ng aking nakaraan. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko makikilala si Pierre.

Si Pierre ang bumuo ng gumuho kong mundo ng iwan ako ni Aerol.

Nakatayo lang ako habang pinapanuod kung paano mag-bonding ang mag-ama, nakuha ni Hid yung kulay ng mata ni Pierre pati na rin yung dimples niya.

Hindi ako makapaniwala na may pamilya na ako, "Jaz, umiiyak ka ba?"tanong ni Pierre habang buhat si Hid at lumalapit sa akin

Ngumiti ako, "Hindi, sobrang saya ko lang."

Hinalikan niya ako sa noo at ngumiti siya niyakap naman ako ni Hid na parang gustong sumama sa akin, "Cancel all your schedules today okay?May pupuntahan tayo."

Tumango na lang ako.

*****

"Hid meet Tito Aerol."sabi ni Pierre habang buhat buhat si Hid

Ngumiti naman ito at patuloy pa rin sa pag-supsop sa kanyang pacifier.

Hindi ko mapigilang maluha, niyakap ko si Pierre, matagal ko ng gustong pumunta sa puntod ni Aerol pero hindi ako payagan nina Nay at Tay, dahil  sa takot nilang mag-break down ako.

Masakit rin yung hindi nila ako pinayagan na uma-ttend ng libing niya.

Ang sakit e.

Lumuhod ako at hinawi ang mga natuyong bulaklak sa nitso ng puntod niya.

Crumpled PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon