Chapter Thirteen: Real Nightmare
Nagising ako ng may tumapik sa balikat ko, "Yen, gising na."
Aerol...
Sinundan ko siya, pumayat siya at medyo nagkaroon ng mga stubbles yung mukha niya pero gwapo pa rin.
Nakarating kami sa isang magandang garden, tumakbo siya, hinabol ko siya kagaya ng dati ko pang ginagawa hinabol ko siya ng buong puso. Mahal ko pa rin siya...
Lahat ng magagandang rosas ay unti-unting na lanta at ang dating ganda ng halamanan ay nawala kasabay ng paglalaho ni Aerol sa dilim.
"Teka Aerol!"
"Aerol!"
Nanlulumo akong umupo, iniwan na naman niya ako, naiwan ako sa dilim, tumulo ang mga luha ko.
Nagising ako na nagpapasalamat na panaginip lang ang lahat.
Hindi ko kakayanin kung mawawala siya. Baka ikamatay ko kung nagkataon, yung ilang araw ko nga lang na hindi siya nakikita pakiramdam ko ay magkakasakit na ako.
Naligo ako at nag-ayos na, pagkatapos ay bumaba, naabutan kong kumakain si Christian.
"Good Morning ate!"
Hindi ko siya pinansin at umupo na para kumain, nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, "Hello? Pierre?"
("Bye, Yen.")
"What do you mean?"
("Basta. Mangako ka. Hihintayin mo ako ha?")
"Okay I promise."
("Bye, Yen. I love you.")
Pinatay niya na yung call at nagulat ako ng humahangos na pumasok si View, "Yen!!Umalis si Pierre."
Napatayo ako, "Saan siya pupunta?"
Niyugyog niya ang balikat ko, "Sa Cali. California. Yen. California!"
Nanlaki ang mata ko, "Ano?!"
Napangiwi ako, nakakainis na palagi na lang akong iniiwan si Aerol andyan nga siya hindi naman ako pinapansin.
Si Pierre na laging andyan nga lang palagi kong nasasandalan, umalis pa. Paano na lang ako?
Kumirot ang dibdib ko, parang there's something na hindi ko ma-let go pagdating kay Pierre.
Ewan ko pero baka sa susunod ma-figure out ko kung ano yun.
Napaupo ako dun sa sofa. Unti-unting tumulo ang luha ko, natawa ako parang ang landi ko. Dalawang lalaki ang iniiyakan ng isang Yen Sandoval.
Napansin yata ni View ang pagtawa ko kasabay ng pagtulo ng mga luha, sinapok niya ako, "Wag ka ngang parang luka-luka diyan, iiyak-iyak ka tapos tatawa ka!Abnormal din to e ano, Christian!"
Tumango na lang si Christian.
Hindi ako makaimik, "Wag kang mag-alala Two years lang siya dun. Tatapusin niya lang yung responsibilidad niya sa company ng pamilya niya."
Tumawa ako pero halatang pilit lang, "Nag-jojoke ka ba? Two years yun. Two years yun View. Hindi biro. Matagal ang dalawang taon.Baka hindi ko kayanin na wala si Pierre sa tabi ko. "
Sumeryoso yung mukha ni View, "Mahal mo na ba?"
Ano nga ba? Bakit ba ako nasasaktan? Gulong-gulo na ako. Ilang arawna akong walang pahinga, kailangan ko ng break utang na loob pagod na ako.
Tao lang din naman ako napapagod din, pwede ko bang takasan lahat ng ito? Gusto kong bumalik sa pagkabata yung walang problema, ang proproblemahin mo lang ay kung paano ka makakabili ng candy. Yung mga simpleng bagay lang ang pinoproblema.
Gusto kong maging bata.
Ginulat ako ni View dahilan para ma-divert ko ang atensyon ko sa tanong niya, "Ano Yen mahal mo ba si Pierre?"
Ano nga ba?Mahal ko na ba? Hindi e. Si Aerol at si Aerol pa rin. Pero hindi ko kayang mabuhay ng wala si Pierre. Ang gulo ko na.
"I like him..."sagot ko kay View
Tinitigan niya ako, "Wrong answer Ms. Sandoval. Wrong answer."
Palagi na lang ganito, ano ba ang unlikeable sa akin?Bakit palagi na lang akong naiiwan?
Nagulat ako ng biglang umihip ang hangin kasabay ng pag-buhos ng ulan, biglang nag-ring ang cellphone ko kasabay ng pagguho ng mundo ko.
"Hello, Tita-- wait umiiyak po ba kayo?"
"Ano?!No, tita, please tell me your lying. No, you're impossible, hindi 'to totoo. Nanaginip lang ako."
Noooo!Please God, why are you doing this to me?
Nagsimula ng pumatak ang luha ko. All the efforts, chasing and loving and everything wala na.
This can't be happening. This felt so surreal.
Patuloy ang pag-kirot ng puso ko, ang sama sa pakiramdam.
Nahulog ang cellphone ko, kasabay ng walang hanggang luha. View hug me before everything went black.
***
Gabi na ng magising ako, ang sama sa pakiramdam, pagod na ako pero tumutulo pa rin ang luha ko.
"View dalin mo ako kay Aerol!"
Hinila ako ni View pahiga at hindi ako pinayagang lumabas, "No Marianne."
Nanghihina akong umiyak, pinababato ko lahat ng makikita ko.
I can't fathom the idea na wala na siya.
Mas mabuti pa rin yung dati na kahit hindi ko siya nakikita alam ko namang buhay siya at humihinga, hindi kagaya ngayon na wala na siya, iniwan niya ako, wala man lang paapaalam, walang pasabi ang sakit lang e.
-VIEW-
Hindi ko alam ang gagawin ko, nag-breakdown si Yen.
Lahat ng makita niya ay pinagbabato niya, hirap na hirap na ang kaibigan ko, lumayo ako kailangan niyang mag-isa.
Nang mapagod siya ay napa-lupagi siya sa sahig, "A-ano bang kasalanan ko?P-palagi n-na lang..."
Umiyak siya ng umiyak, hinayaan ko lang siya, I've known Yen since birth mag-kabirthday kami, sabay pa kaming pinanganak sa iisang hospital.
Mahal na mahal ko si Yen, kapatid ko na siya.
Nagulat ako ng kinuha ni Yen yung nabasag na vase at akmang, "Yen no!"
Lumapit ako sa kanya at hinawi lahat ng matatalas na bagay na nakakalat sa sahig, wala akong pakialam kung masugatan ako, pagkatapos nun ay niyakap ko siya.
Ramdam na ramdam ko ang pagpahihirap niya, hinalikan ko ang buhok niya, pumatak ang luha ko. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko.
"P-please Yen sa tingin mo ba matutuwa si Aerol k-kapag ginawa mo yan?"
Hindi siya nagsalita at patuloy ang pag-iyak niya, nakaupo kami sa sahig, dumudugo ang kamay ko dahil sa mga bubog na hinawi ko kanina, pero wala akong pakialam alam kong kakayanin niyang lampasan to.
"Yen, kakayanin mo 'to."
Matapang na babae si Yen hindi siya basta-basta sumusuko, kaya nga mahal na mahal ko siya at naiingit ako sa kanya dahil bawat pagsubok ay hinaharap niya hindi ko kagaya na tinatakbuhan lang lahat.