Chapter Two : You ruined us

5 0 0
                                    

Pagkakuha ko ng tubig ay agad akong bumalik para i-check si Aerol.

Nagulat  ako ng magsalita siya, "Please don't leave."

"I love you Lira."

Nilapitan ko siya cause he seems to be having  a bad dream.

"Sssshhh.Its alright."habang inaayos ko yung buhok niya

Bakit si Lira pa rin?Ako nga yung andito e.

Pumunta ako sa CR niya para maghilamos.Bakit kasi yung mga gusto kong gawin at makuha hindi naman para sa akin?

Si Lira.Si Lira na lang palagi.Anong bang meron si Lira na wala ako?Na wala ako?Bakit palagi na lang siya?

Pagkatapos ko sa CR ay agad na akong pumunta sa kusina para ipagluto si Aerol ng makakain.

Mukha akong concern na wife.Sinuot ko yung apron ko, oo may apron ako dito, I used to hang out here....dati

Nagluto ako ng paborito niya.

Adobo.

Tinitikman ko yung adobo ng may yumakap sa akin mula sa likod...backhug

"Thank God.Bumalik ka na!God knows how much I missed you Lira!"tuwang-tuwa niyang sigaw

Hinalikan pa niya ang gilid ng noo ko.

Kikiligin na sana ako.Kaso...

"Uhm A-Aero--"

Magsasalita pa lang ako ay pinutol na niya,"Iyen?Why are you here?"

Nagulat ako sa pagsigaw niya.Nagpatak yung sandok.

"Kasi--"

Bakit hindi niya ako patapusin?

"Kasi ano?Hahalikan mo na naman ako? Para sirain kami ni Lira?Well congrats nagtagumpay ka!"

"H-hindi, sorry."

Nagsimula ng pumatak ang kanina lang ay nagbabadyang mga luha.

Hindi ba nakakapagod ang umiyak?Hindi ko alam.I've been crying since I don't know.

"Ano?Sorry?Anong magagawa ng sorry mo?Tapos na e.Break na kami ni Lira.Sinira mo pagsasama namin!"

Hindi na ako makaimik dahil nahihirapan akong huminga dahil sa paghikbi.

"Ano hindi ka makaimik?Aminin mo na kasi, patay na patay ka sa akin, kaya ka andito."

Palapit siya ng palapit sa akin hanggang sa mapadikit ako sa may lababo.

"Ako lang naman gusto mo di ba?!O andito na ako!"

Mahal ko siya!Oo.Pero hindi yun sapat para bastusin.ako!

Itinulak ko siya at di ko sinasadyang mapalakas iyon tumama yung likod niya sa lamesa at may nalaglag na plato at nabasag ito.

"Sorry..Hindi ko sinasadya."umupo ako, habang pinupulot ang mga na basag na pinggan

Naawa ako sa sarili ko, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung Worth it ba siya?

Sa pagpulot ko ng plato ay nahiwa ako, bigla niya akong hinila, "That's where your good at, ruining everything.You ruined us."

"S-sorry talaga."

Kulang na lang ipagtulakan niya ako, not minding na nahiwa ako.Hindi naman malalim pero andun pa rin yung feeling na kumikirot.Kagaya ni little heart.Kahit kumikirot mahal pa rin siya.

Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko, parang bumibikil.Papasa to anytime.

"Now get out!Get out flirt!Mahal ko si Lira kaya kahit ilang beses mo akong halikan hindi magbabago yun."

"Teka, yan ba talaga ang tingin mo sa akin?"nagbabadya na naman ang mga luha ko

Ngayon lang ako nasabihan ng ganyan.Masakit pala.

"Oo.Malandi."

Hindi naman ako magpapatalo, I composed myself.I wear my usual mask.Yung palaging matapang.Kahit ang totoo ay hirap na hirap at pagod narin ako.

"Bago ako umalis, gusto kong malaman mo na ipinagluto kita ng adobo.Bye."

Agad kong kinuha ang bag ko at dali-daling lumabas ng condo niya.

Binati pa ako ni Manong guard pero di ko na siya nabati.

Pag kasakay na pagkasakay ko sa kotse ay hinawakan ko agad ang steering wheel saka nagsimulang umiyak.

Ganito ako.I cried a lot of times in this car.Itong kotseng ito ang nakawitness ng mga paghihirap ko.

Napaub-ob na lang ako.Wala e.Mahal ko.Kaya kahit magmukha akong tanga.

Habang nagdri-drive ako paulit-ulit na nag-eecho sa utak ko ang sinabi niya.

"Malandi."

Little heart mahal mo pa rin siya?Pwede bang magpakalunod ka na lang muna sa dugo?

"You ruined us."

Hindi ako mapakali, pakiramdam ko di ko na kayang magdrive.Kaya pumunta na lang ako kina View.

I went there, sa bahay nila, bawat katok ko patuloy ang pagpatak ng luha ko.

Narinig ko ang mga yabag papalapit sa akin, pinagbuksan niya ako ng pinto.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at bigla ko siyang niyakap, magproprotesta sana siya kaya lang na-gets niya siguro na masama talaga ang loob ko, "View..."

Hinimas niya ang likod ko, "Sssh, dapat pala hinayaan na lang natin siya dun."

Inalalayan niya ako sa kwarto niya, "Matulog  ka muna.Saka ka na lang umuwi."

Sinunod ko ang sinabi niya, masyado na akong napagod ngayong araw na ito.I need some rest.

"Thank you View."

Nakatalikod na siya pero humarap uli at saka ngumiti, "Anything Yen.You know you can count on me.Bestfriend kita."

Kinindatan pa niya ako.

Pinilit kong matulog.Alam kong mahirap.Pero nakatulong na rin siguro yung mga hirap na napagdaan ko ngayong araw na ito para makatulog ako.

*******

"The f-uck!  Moron, bakit mo ako pinagbabaan?"

Nagising ako sa ingay ni View may kausap siya sa cellphone, "Lintek ka talaga Aerol!"

"Bastos!Bastos talaga!Hindi niya ba alam na masama ang magbaba ng phone?"

"Kuh, pag nakita kita, titirisin kita!Hayop ka!Unggoy ka talaga! HOW DARE YOU HANG UP ON ME!"

Patuloy siya sa pagrereklamo, siguro tinawagan niya si Aerol.

Hindi ko na lang siya pinansin.

"Pabubugbog kita!T-anga!D-amn you!Naiinis ako sayo!Aerol!Naku.Ipakukulong kita.Bawal magbaba ng phone kapag kinakausap ka!"

Tinakpan ko yung tenga ko ng unan.Ayokong marinig mga pinagsasabi niya.

"Abnormal ka talagang unggoy ka!"

Binato ko siya ng unan, "Ang ingay mo!"

"Oh gising ka na pala."

Tumayo ako at kinuha ang bag ko, "Thank you View, layas na ako."

"Geh, layas na!Hayop yang Aerol na yan!Naku.Mamatay siya ng maaga."

Binato ko siya ng candy, "Tse manahimik ka nga!"

Nag-vibrate ang phone ko at nareceive ang message mula kay Aerol.

You ruined us, flirt.

Those words stab my chest.Masakit.

Crumpled PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon