Chapter Eight : Love Rain
Lumayo siya at tumawa ng mahina, bat ganun ang tawa niya, fake e?
Pinitik niya ang ilong ko, "Ganyan ka pala pag-kinikilig."
"Excuse me?"
Ngumiti siya, tumigil ka na nga sa kangingiti mo, hindi naman yan totoo, "Anong ginagawa mo?"
Kumunot ang noo niya, na parang hindi naiintindihan ang tinatanong ko.
Nilinawan ko na ang tanong, "I mean bakit ka ganyan, nung isang araw lang galit na galit ka sa akin tapos ngayon you're showing me your sweet side.Please Aerol, I don't play such games.Kung pinaglalaruan mo ako sabihin mo na."
Humiga siya sa damuhan habang yung mga kamay niya ang ginawa niyang unan.Umangat yung damit niya kaya nakita ko yung sexy niyang abs.
Nag-iwas ako ng tingin, naramdaman ko rin ang pag-init ng mukha ko.
"Sorry kung yan ang nararamdaman mo, pero, hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito.Naka-gago nga e."seryoso ang boses niya since hindi talaga ako maka-tingin sa kanya
Nag-patuloy siya sa pagsasalita, "Please congratulate me, dahil nagising na ako sa katotohanan na wala na kami ni Lira.I'm on my first step para maka-move on."
Napa-nganga ako.Oo gusto kong kalimutan niya si Lira pero hindi naman yun ganun kadali, it takes time.
"W-well, c-congrats."
Umupo na siya at finally naka-tingin na rin ako sa kanya.
Hinawakan niya ang baba ko, "Look at me Yen. I'm a broken man right?"
Habang nakatingin ako sa kanya mas lalo ko pang napag-aralan ang mga features ng mukha niya.
Those brown orbs.Perfectly plucked eyebrows. Brownish messy hair.Aristocratic nose. And those perfect lips that's currently pressed into a thin line.Mukha siyang model.
Did I forget to mention na may foreign blood siya?
Spanish-American.And the rest puro Filipino na.Dito siya pinalaki ng lola niya.
Wala sa sarili akong nagsalita, "You're handsome."
Lumayo siya at ginulo ang buhok ko, "Ikaw talaga..."
May naramdaman akong tubig na pumatak sa balikat ko, napatingala kaming dalawa ng makita na ang malakas na ulan ay sumalubong sa amin.
Sisilong sana ako ng hilahin ako ni Aerol sa gitna ng field.
"Aerol mababasa tayo."
Ngumiti siya at tumingin sa langit, "Enjoy it Yen, enjoy the rain."
Tatanggi pa sana ako kaya lang ng makita ko ang masayang mukha ni Aerol, pumayag na ako.
I want to make him happy.I don't want to see him in pain. 'Cause I love him.
Para siyang batang nabigyan ng chocolate, ang saya-saya niya.Matapos niyang magpakasaya ay lumapit siya sa akin at binuhat ako at ipinatong sa balikat niya.
Mahina kong nasabunutan ang buhok niya, "U-uy ibaba mo ako."
Hindi siya nagsalita sa halip ay nilibot namin ang buong field.Ang refreshing sa pakiramdam ng ulan.
Pagkatigil ng ulan ay may nakita kaming rainbow.
Tumingala ako, "Totoo talaga na after a hard rain there's a colorful rainbow."
Ibinaba ako ni Aerol, "Yeah. Tara na, I'll humor you pauwi.Baka magkasakit ka na naman.My conscience will surely hunt me."
Tumingala ako, medyo matangkad kasi siya, I have the pleasure to look at his messy look.