Prologue

256 3 1
                                    

BOOK 1

Two different people. Living in two different world. Had different personalities and perceptions in life. Masyado silang opposite. But in some ways, destiny paves a way for them to meet. Isang pasaway, easy go lucky, ma bisyo at mahilig magloko. At isang good student, matalino, at may dereksyon sa buhay.

Si Jhey ay isang taong palaging may hugot sa buhay. Lumaki sa pamilyang di perpekto. Tumanda na malaki ang takot at galit sa ama. Bata pa lamang siya ay maaga na siyang namulat sa takbo ng buhay. Mahirap, malungkot, masakit. Lumaki siyang bukas sa kanyang mga mata ang mga posibilidad na magkaroon ng sariling pamilya. Dahilan kung bakit nawala sa dereksyon si Jhey, magulo, maingay, beer at yosi lang masaya na siya, pero lingid sa kaalaman ng mga kaibigan niya at ng ibang tao, ma drama ang buhay ni Jhey sa loob ng tahanan nila. O tahanan nga bang maituturing ito? Bakit ba pakiramdam niya, hindi siya kabilang dito? Bakit hindi siya masaya? Bakit hindi siya pwdeng mag paka totoo sa sarili niya kasama ang pamilya niya? Bakit kailangan niyang itago kung sino siyang talaga?

Habang si Jhin ay isang taong lumaki sa pag mamahal ng magulang, mabait na ama, at ma alagang ina. Alam niya kung ano ang gusto niya sa buhay, pag sikapan ang pag aaral para maging proud ang magulang niya lalong lalo na ang kanyang ate na nasa ibang bansa para suporthan ang pamilya at pag aaral niya. Mabait si Jhin, tahimik at masayahin. Minsan, meron ding na iingit dahil sa magaling siya sa klase. Para kasi sa kanya, yun yung unang unang dapat na i.prioritize niya.

Pareho silang may kanya kanyang ginagawa sa buhay. Hanggang sa isang araw, pinag tagpo sila ng tadhana, at dun nag simula ang pagbabago sa kanilang dalawa. Isang paglalakbay na hindi nila ina akalang mag dadala sa kanila sa pag ibig na tapat at wagas. Hanggang saan nga ba sila dadalhin ng kanilang pag mamahalan? Kaya bang sukatin ng kahit na sino ang pag mamahal nila sa isat isa, dahil sa tingin ng iba, forbidden love ang meron sila.

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon