Chapter 30

29 2 0
                                    

Thankyou "jamaicadevelaeyas" for following me! ^_^

AUTHOR'S NOTE:

Mag fast forward na po tayo para hindi na masyadong mag tagal tong story ko. Bwahahahahaha. ^_^
(SHORT UD LANG ATA TO. HAHAHA. HINDI PA SIGURADO SI AUTHOR NIYAN HA. Happy reading!)

A GOOD START

Jhin's POV

Ilang buwan na rin ang nakalipas. Araw araw ay parehong set up lang ang nangyayari. Hindi pa rin sila nag nag uusap. Si denden, patuloy pa rin sa panunuyo sa kanya. Si Sam, dikit pa rin ng dikit kay Jhey. Lagi silang nag tatagpo na iba ang kasama nila. Pareho man silang nahihirapan, pero wala naman silang ginagawa para magka usap sila. Si Jhin, hindi pa rin maka hanap ng tyempo, si Jhey naman nawawalan na ng pag asang magiging ok pa ang lahat sa kanila. Hanggang sa dumating ang kanilang School Sports Fest week. Buong linggo silang puro games, at ibat ibang events lang ang gaganapin sa school nila.

Nanunuod sila ng volleyball ni Jel ng bigla siyang tabihan ni Denden. Matagal na niya itong gustong kausapin, pero pakiramdam kasi niya walang sense yung gagawin niya dahil ang hirap hirap ipaintindi kay Denden na hindi niya ito gusto at sana layuan na siya nito.

Jel: Andiyan na naman yang suitor mo. Mamaya makita ka na naman nung original mo eh. Zero point ka na naman. Haha.

Jhin: Tumigil ka nga diyan.

Jel: Oh bakit? Totoo naman ah.

Jhin: Pikon na pikon na nga ako eh. -_-

Jel: Ikaw naman kasi eh. Sinanay mo. Kaya ayan, akala tuloy niya gustong gusto mo naman. Na nag papakipot ka lang, pero kilig na kilig ka naman diyan.

Jhin: Edi siya na makapal ang mukha.

Jel: Hahahahaha! Kapag pinatagal mo pa yan, wala ka na dude. Laos ka na talaga kay Jhey. Ilang buwan na ba? Hanggang ngayon, taob na taob ka pa din.

Jhin: Eh bakit kasi kaylangan ako lang tong gumawa ng paraan?! Eh siya rin naman ah, kaylangan niya ring ipaliwanag yung tungkol kay Sam. :(

Jel: Ano ba yung huling dahilan kung bakit nagkasira kayo ng ganyan ni Jhey? Diba dahil sa inakala niyang kayo nga ni Denden? Bago mo pa malaman yung tungkol sa kanila ni Sam, diba mas nauna pang namalita sa probinsiya yang katabi mo na merong KAYO? Come on Jhin. Did you ever try to think kung anong naramdaman at nangyari kay Jhey after that?

Jhin: Huhuhuhu. Jel naman eh. :( Kausapin ko na kaya to? :(

Jel: Ready ka na?

Jhin: Siguro. Ewan ko. Susubukan ko. :(

Jel: Hindi pwedeng ganyan. Dapat, sigurado kang kaya mo na.

Jhin: Kaylangan ko na talaga atang gawin to. :(

Humarap siya kay denden bago nagsalita. Ang isang bagay lang na nasa isip niya ay tapusin na ang kahibangan nito, at susubukang makipag ayos kay Jhey.

Jhin: Den?

Denden: Hmm? :)

Naka tuon pa rin sa court ang atensyon nito at hindi man lang tumingin sa kanya. Mula pa nuon kampanteng kampante na talaga ito sa tuwing mag kasama sila, yun bang kung umasta eh parang sila kahit lagi naman niya itong binabara at sinusungitan.

Jhin: Mag usap tayo.

Denden: Tungkol saan?

Jhin: Mamaya ko na lang sasabihin.

This time. Seryoso siyang hinarap nito. Nag pa alam siya kay Jel at agad naman nitong na gets, kaya umalis na rin silang dalwa. Tahimik silang nag lalakad hanggang sa maka kita sila ng pwesto na hindi masyado occupied ng mga students.

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon