Chapter 18

24 3 0
                                    

WITH SOMEONE ELSE


Jhey's POV

Nasa ilog si jhey, nagpapa lipas ng oras at nag mumuni-muni. Sinama kasi ni lola marissa at dinang si carlo sa bayan para mamili ng mga kakainin nila para sa linggong ito, baka makulitan kasi si jhey kaya sinama na nila ito. Ok na rin yun dahil nasolo niya ang ilog, wala kasi siya sa mood mag tampisaw sa tubig at gusto lang niyang magpahinga at matulog, gumawa kasi sila ni carlo ng duyan duon kaya may hinihigaan na siya ngayon kapag pupunta silang dalawa. Sobrang tahimik ng lugar.

Jhey: ang sarap talaga sa pakiramdam. Sobrang nakaka gaan ng pakiramda..........am..... Araaaaay!

May nahulog na mga maliliit na kahoy sa kanya. Tingin siya ng tingin sa bandang itaas. Mukang sadya yung pagkaka tapon sa kanya.

Jhey: paano bang may mahuhulog diyan. Wala namang kas.......... Waahhhhhhhhhh!!!!!!!!

Sobrang lakas ng sigaw ni jhey. Tumingala kasi siya at may babaeng yumuko sa may bandang mukha niya. Agad agad siyang tumayo at talagang na takot siya.

Babae: hahahahhahahahhahahahhaahaha!!!!!!!

Jhey: s-sino ka? B-bat ka nandito?

Takot na takot na tanong ni jhey sa kaharap niya. Pero kung pag mamasdan, mukha namang totoong tao, di naman ito mukang diwata. Naka polo, shorts at sandals yung babae. Inabot naman nung babae yung kamay niya kay jhey at nagpakilala.

Babae: hi. Hahaha. Relaaax. Call me sam. ^_^

Jhey: taga saan ka ba? Tsaka bakit ka nandito? Taga rito ka ba? Anong apelyido mo?

Sam: ahhh. Dami namang tanong! Psh.

Sabay higa sa duyan na kanina ay si jhey ang gumagamit.

Jhey: huy! Ano baaa. Sakin to eh. Bakit ka ba talaga nandito? San ka ba galing?

Sam: hahahahaha. Ipakita mo nga sakin kung saan naka ukit yung pangalan mo dito at nag sasabing sayo tong lugar nato? Ikaw lang ba pwedeng pumunta dito??

Pag hahamon ni sam sa kanya.

Jhey: hindi ko naman sinabing akin tong lugar na to eh.

Sam: eh yun naman pala eh. Kaya wag kang madamot diyan.

Jhey: umalis ka na nga lang sa duyan ko, yan, akin talaga yan dahil ako yung naglagay niyan diyan. Kaya alis!

Sam: woooow. Ang galang po natin ah.

Jhey: ako naman talaga naglagay nito eh.

Sam: alam ko. Nakita ko eh. Pero di ko naman sinabing di sayo to. Oh ayan na. Sayo na.

Jhey: ha? Ah. Teka nga.

Aalis na sana si sam ng pigilan siya ni jhey, hinawakan siya sa braso nito at pag harap niya, mukha ngang galit si sam.

Jhey: s-sorry.

Sam: yun. Nag sosorry naman pala . Okay! ^_^

Humiga ulit si sam sa duyan at humahagalpak sa tawa, akala mo nanalo sa lotto.

Jhey: ang ingay mo. Psh!

Sam: hahaha. Ang kj mo naman. nasan si carlo?

Jhey: magka kilala kayo ni carlo?

Sam: yup. ^__^

Jhey: teka nga, bat mo ba kilala yung pinsan ko?

Sam: na padpad kaya yun dito habang panay ang iyak, di na niya alam yung daan pauwi kaya tinulungan ko siya.

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon