Chapter 21 (TRUTH HURTS PART 1)

21 2 0
                                    

SPECIAL THANKS TO "geyan5" for adding my story to her library. GODBLESS! ^_^ happy reading! :)


TRUTH HURTS (PART 1)

Jhey's POV

Inimbita ni jhey si Sam sa bahay ng kanyang lola marissa. Birthday kasi ni carlo, at alam niyang matutuwa ang pinsan niya kapag nakita nito na may bisita siya. Pagpasok nila sa loob ng bahay agad silang nilapitan ni carlo.

Carlo: hmmmmm. Magka kilala po ba tayo??

Tanong niya kay sam at sinusuri pa ang mukha nito na parang bang pilit inaalala kung saan sila nagkita.

Sam: oo naman. Nakalimutan mo na ba ako?

Parang nag tatampong sagot ni sam sa bata.

Carlo: SAAAAMMMMM?????!!!!!!!!!

Jhey: anong sam? Mag ate ka uy! Kung maka sam ka diyan eh.

Carlo: hihihihihihihi. Ate sam! ^___^

Sam: hahahaha. Ok lang jhey. Ano ka ba. Hi carlo :) HAPPY BIRTHDAY! :) gift ko sayo oh.

Carlo: wooooooowwwwwwww. Gusto ko to! Thankyouuuu!

Jhey: eh lahat naman ng laruan gusto mo eh.

Carlo: eh sa magaganda lahat eh. :)

Sam: parang matanda magsalita oh.

Carlo: eh matatanda po kasi lahat ng andito. Hihihihi.

Bulong ni carlo kay sam sabay hagikgik sa tabi.

Lola marissa: anong sabi mo carlo?

Carlo: wala po lola. Sabi ko po magaganda kayo lahat dito. Hihihihihi.

Lola marissa: ayus ayusin mo yung kinukwento mo dyan sa bisita mo ha.

Jhey: hahahahahahaha! Patay ka kay lola, carlo :)))))

Carlo: si ate jhey oh! :(

Jhey: hahaha. Loko lang. Syempre mabait kami lahat sayo ngayon, birthday boy eh.

Carlo: hihihihihihi.

Jhey: ah ma, lola? Si Sam po kaibigan ko. Sam, si mama, tsaka si lola marissa.

Sam: hello po tita. (Nag mano kay dinang.) hello po lola marissa : (nagmano kay lola).

Lola marissa: kaawan ka ng Diyos apo.

Dinang: ah. hello din sam. :) kinagagalak kitang makilala.

Sam: ako din po. :)

Dinang: oh siya. Tama ng kulitan, kumain na tayo at kanina pa ako nagugutom.

Sabay sabay na silang kumain. Game na game naman si sam. Hindi na nahihiya at nakikipag kwentuhan na kay lola marissa at dinang. Nakikipag kulitan din ito kay carlo. Napuno ng halakhakan ang buong gabi. Ang galing pa lang mag biro ni sam, kaya walang katapusan ang kakatawa nila lola marissa. Nakikita niya na enjoy na enjoy si dinang kay sam. Nag videoke pa sila pagka tapos kumain at game pa rin si sam, maganda yung boses niya na pwedeng pang contest. Panay lang yung sulyap ni jhey sa kanya. Hindi pa nga talaga niya ganoon ka kilala si sam. Maya maya nag pahinga na sila, dahil ihahatid na niya pauwi si sam.

Jhey: pahangin tayo sa labas?

Sam: sige ba.

Carlo: sama ako.

Jhey: matulog ka na nga. Antok na antok ka na oh.

Dinang: ako ng bahala dito nak. Sige na, labas na muna kayo.

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon