Chapter 20

18 2 0
                                    

HELLO READERS. KAHIT SLEEPY NA AKO, GUSTO KO PA DIN MAG UD PARA MABASA NA NG TULOY TULOY ITO NG MGA MASISIPAG KONG READERS. ^_^ KAYA PASENXA NA SA MGA TYPO ERRORS KO KUNG MERON MAN. :) LABYU GUYS!

REAL TALK


Jhey's POV

Maagang nagising si jhey, at dahil sa nagka sagutan sila kahapon ni sam, ayaw na muna niyang pumunta ng ilog dahil panigurado nanduon ito. Diretso ng garden si jhey para mag pa hangin. Iniisip niya yung mga taong mahahalaga sa kanya.

Jhey: si jhin. Si Mama. Yung Barkada.............at si denden.

Nakaramdam ng lungkot si jhey dahil bumabalik bigla lahat ng alaala nila ni jhin. Iniisip niya yung mama niya na patuloy na nahihirapan, at yung mga barkada niya na hindi lang man niya naka usap at napaliwanag ng maayos kung ano yung pinag dadaanan niya.

Jhey: mahal kita jhin. Mahal na mahal. Pero natatakot na akong bumalik sa dati kong buhay. Ayoko silang makita o makasama. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba. Pero mahal kita, paano nga ba kita makakasama?

Nagsimula ng pumatak ang kanyang mga luha. Nasasaktan at nahihirapan dahil sa sitwasyong meron siya ngayon. Kung ganun lang sana kadali ang lahat.

Jhey: si mama. Nahihirapan. Alam ko nahihirapan siya dahil gusto niya, buo kami. Kaso kahit na anong pilit niya, hinding hindi na kami makukumpleto. :'(

Naguguluhan si jhey, gusto na niyang bumalik. Balikan ang dati niyang buhay, gusto na niyang bumawi kay jhin, pero nakakaramdam siya ng takot na baka masaktan siya ulit sa kung anong malalaman niya pag balik niya. Gusto niyang huwag ng mahirapan ang mama niya dahil alam niyang gustong gusto na nitong umuwi sa bahay nila. Kaylangan niyang maka usap si denden. Pakiki usapan sana niya si dinang na papuntahin si denden ng pag lingon niya, nasa likod na pala niya si denden at naka tayong naka titig lang sa kanya.

Jhey: k-kanina ka pa?

Denden: medyo.

Bat ba parang na iilang sila sa isat isa. Kinakabahan si jhey. At parang may takot sa mga mata ni denden.

Jhey: upo ka muna.

Tumango lang si denden at sumunod na umupo sa bandang harap ni jhey. Walang nag sasalita. Pareho silang tahimik, kaya sobrang nagtataka si jhey kung bakit ganito sila ngayon ng matalik niyang kaibigan.

Jhey: k-kamusta na?

Denden: eto, ok lang.

Jhey: makiki usap nga sana ako kay mama eh na papuntahin ka rito. Timing naman na pumunta ka ngayon.

Denden: ahh. Ganun ba.

Tipid na sagot ni denden sa kanya. Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya.

Jhey: nakaka panibago ka.

Denden: ha? Ah. Ilang buwan na din kasi tayong di nagkikita at di nag uusap. Kaya siguro ganun.

Jhey: oo nga eh. Di ka na kasi dumadalaw.

Denden: busy lang ako.

Jhey: sa alin?

Denden: may ginagawa lang ako.

Jhey: sa nililigawan mo?

Parang nanigas si denden sa narinig niya. Alam ba ni jhey na palagi silang magkasama ni jhin? Hindi agad siya nakapag salita pero bumawi naman agad.

Denden: nililigawan? Haha. Sino naman nagsabi sayo niyan?

Jhey: si jhin?

Denden: h-ha?

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon