LEAVING DN UNIVERSITY
Pagka labas ng ospital ni jhey ay diretso sila ng DN university ni Dinang. Kaylangan kasing kausapin sila ng Dean at hindi maaring wala si jhey sa pag pupulong na iyon.
Dinang: rosita, kayo na munang bahala dito sa mga gamit namin ha, aasikasuhin ko lang tong skwelahan ni jhey para matapos na at maka alis na tayo.
Rosita: wag mo kaming iintindihan at may sasakyan naman kaming na arkila, aantayin na lang namin dito at papunta na yun, tumawag ka na lang kapag mag papasundo na kayo ha?
Dinang: salamat rosita.
Rosita. Walang anuman.
Dinang: oh denden. Wag kang kung saan saan nag pupupunta ha? Samahan mong mama mo dito. At maraming kaming gamit ni jhey na iiwan sandali.
Kaninang umaga kasi ay dinala na ni mang agustin ang mga gamit nilang mag ina. Dalawang malaking maleta na punong puno ng mga damit nila, at mga maliliit na handbag dahil may niligpit si denden sa mga gamit ni jhey, baka hanapin raw kasi ni jhey ang mga iyon kapag ok na siya.
Denden: at your service maam!
Sumaludo pa ito kay dinang na parang sundalo.
Rosita: narinig mo yun? Mamaya mag papa alam ka naman. Makikipag kita ka na naman sa nililigawan mo! Nako denden! Tatamaan ka na naman sa akin eh.
Dinang: batang ito. Bukas na yan anak ha. Tulungan mo muna si tita ngayon. Kayo lang ni rosita ang ma aasahan kong talaga.
Denden: Mama naman eh!
Sabay tingin ng masama kay rosita, at nginitian naman ng maluwag si dinang.
Denden: Tita dinang, hindi ko po iiwan si mama dito. Pwamez yan. Hahahaha.
Dinang: oh siya sige. Mauna na kami ni jhey.
Sumakay na sila ng taxi. Si jhey naka tingin lang sa labas ng salamin. Di naman mapigilan ni dinang ang mag alala kung ok lang ba talagang dalhin niya sa eskwelahan si jhey na ganitong hindi pa presentable ang mukha dahil sa mga sugat at tahi na hindi pa gumagaling.
Dinang: anak.
Hinawakan niya ang kamay ni jhey at nilingon naman siya ng anak niya. Blangko lang ang mukha ni jhey.
Dinang: o-ok ka lang ba talaga na pumunta ngayon?
Tumango lang si jhey.
Dinang: anak, kung gusto mong umatras, wag na lang nating ayusin yung pag alis mo dun sa DN University.
Jhey: kaya ko ma.
Napangiti na lang si dinang sa pag sagot ng anak niya. Malaking bagay na to para sa kanya na pa minsan minsan ay naririnig niya uli ang boses ng anak niya.
Dinang: sige anak.
Maya maya ay narating na nila ang eskwelahan. Naka suot ng kalo si jhey at medyo binaba niya ito para kapag yuyuko siya ay di masyadong mapansin ang muka niya, naka simpleng tshirt lang siya at shorts dahil sa mga sugat niya sa paa na di pa gumagaling ay hindi pa siya pwedeng magsuot ng jeans.
Dinang: anak, tutuloy ba tayo?
Tumango lang si jhey.
Bago makarating ng Dean's office ay kaylangang dumaan muna sa hallway, kung saan duon rin tumatambay ang mga estudyante dahil sa mga naka kalat na mga lamesa't upuan sa gilid ng hallway. Tuloy tuloy lang sila sa pag lalakad, may mga bulong bulungan ng naririnig si jhey, pero tuloy lang siya sa paglalakad, naka pasok lang sa loob ng kanyang bulsa ang kanyang mga kamay at kalmadong naka yukong naglalakad.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE
RomanceMy first story in wattpad. Kung may typo errors man ako, pasensiya na. Hahahaha. :) Sana magustuhan ninyo. Inspired story po ito. Sa makaka relate, THANKYOU! Sa maiinis, SORRY IN ADVANCE. ^_^ This is a story of a girl to girl relationship. Isang pag...