Chapter 36

23 2 0
                                    

"Hold on to FOREVER"...

Jhey's POV

Gusto niyang magalit kay Jhin pero na iisip niyang kasama rin niya si Sam. Galit na galit siya pero ayaw niyang mag simula ng gulo, at mas piniling kumalma at pag usapan na lang muna nila.

Jhey: Tapos na ba kayong mag usap?

Naka titig siya kay Denden. Hindi naman ito sumagot kaya pinili ni Jhin na mag salita na.

Jhin: Jhey. Ahhhh. Oo. Okay na.. Ta-.........

Jhey: Jhin... Hindi ikaw ang tinatanong ko.

Natakot ata si Jhin, kaya yumuko na lang ito at na tahimik.

Jhey: Tapos ka na?

Denden: Jhey. Wala akong balak mang gulo...

Jhey: Simula nung gaguhin mo ko? Hindi pa ba pang gugulo ang tawag dun? At hanggang ngayon.. Wala ka pa ring kupas.

Denden: Hindi sinasadya na nag kita kami kanina. Wag ka magalit sa kanya.

Jhey: No. I wont. Dont worry..

Denden: Nagka taon lang na nagkita kami kanina. Maniwala ka.. Parang di mo naman ako kilala.

Biglang natawa si Jhey. Tahimik lang ang lahat at biglang naka titig na ang bawat isa sa kanya. Sobrang intense.

Jhey: Naririnig mo ba ang sarili mo?? Kung sabagay. Mukhang tama ka naman. Simula kasi nung subukan mong agawin si Jhin, natanong ko rin sa sarili ko kung kilala nga ba kita? Sa tinagal tagal kasi ng panahong nakasama kita, sobrang naging mali ang pag tingin ko sayo, hindi nga kita kilala.

Kung pwede lang humiling na maging ice cream, kanina pa sana hiniling yun ni Jhin para matunaw na siya at mawala na sa paningin ng lahat.

Denden: Jhey..

Jhey: You, stop messing around my girl. Wag mong hayaang makalimutan kong tao ka pala at hindi hayop.

Denden: You have my word. Iiwas na ako simula ngayon Jhey.

Jhey: I once had your word nung nangako kang aalagan mo siya habang wala ako. Pero ginago mo ko at ginusto mong angkinin yung pareho nating alam ay akin.

Nangingilid na ang mga luha ni Denden. Pero si Jhey ay galit na galit pa. Hindi pa siya handang makipag usap dito, yung sugat sa puso niya, buong buo pa, at hindi pa nakaka pag simulang mag hilom.

Denden: I'm sorry Jhey.

Mahinang sagot ni Denden sa kanya. Halatang naiiyak na siya.

Denden: Wag sana kayong mag away. At wag kang magalit sa kanya.

Jhey: Eh hindi naman ako galit sa kanya. Sa kapal ng mukha mo ako nagagalit.

Denden: Jhey....

Jhey: Wala kang karapatang lapitan siya, o ka usapin man lang siya. Layuan mo siya kung ayaw mong basagin ko yang mukha mo, makapal kapal na kasi pre. Baka gusto mong panipisin natin.

Nang gigil na yung boses ni Jhey. Kaya sobra ng kinakabahan si Jhin. Nasa skwelahan kasi sila kaya ayaw niyang magka gulo.

Denden: Ito na yung huli Jhey. Pangako.

Jhey: Wag kang mangako. Gawin mo. Stay away from us, Den. Nakiki usap ako. Hindi ka na parte ng buhay namin ngayon. Matagal ng hindi.

Makikita sa mukha ni Denden na sobra siyang nasasaktan sa binibitawang salita ni Jhey. Pero dapat niyang tanggapin dahil sobrang laki ng kasalanan niya dito. Tumango lang si Denden at nag lakad na paalis. Hindi na siya lumingon at tuluyan ng nawala sa paningin ng lahat at saka lang naka hinga ng maluwag si Jhin.

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon