Chapter 37

20 2 0
                                    

Authors's note:
Thankyou ivanSmiled, GG_writes and Chiipss for following me.

LAST SEM..

Balik sa dating daily routine. Tapos na ang kanilang School SportFest Week. Naka uwi na rin ang mama ni Jhin galing out of town, at hindi na rin siya kay Jhey naka stay. Hindi na rin pumapasok si Denden at Sam. Nag tataka man silang pareho pero ni minsan hindi nila ito napag usapan.

Jhin's POV

Minsan, naiisip ko kung gusto pa ba ni Jhey na maging kaibigan ulit si Denden. Gusto kong malaman ang nararamdaman nito sa dating kaibigan. May pag asa pa ba? Hindi na rin ito pumapasok. Ano kayang nangyari. Sayang talaga.

Jhey's POV

Hindi ko na nakikita si Sam. Kamusta na kaya siya? Ok lang ba siya? Nakakalungkot. Nag sisimula na sana siya ng matinong buhay, pero nasira ko ata lahat. May pag asa pa kayang maging maayos ang lahat? Malapit na rin ang graduation ko, baka pag wala na ako dito sa DN, dun babalik si Denden, magkikita na naman sila ni Jhin. Haaaay.

Patapos na ang klase nila Jhey, mauuna kasi ang mga graduating student. Kaya hindi na sila madalas na magsama dahil nasa practice ito.

Jhey's POV

Lunch time na. Saan na ba si Jhin. Ang tagal naman. Ilang oras lang free time ko oh.

Jhin: Jhey!! ^_^

Jhey: Tagaaaal. -_-

Jhin: SORRY HAAA. DI KO NA MAN KASI KAYANG LIPARIN MULA CLASSROOM PAPUNTA DITO! >.<

Jhey: Hahahahahaha! JOKE LANG PO. Namimiss kasi kita, kaya gusto ko andito ka agad sa tabi ko. ^_^

Jhin: Tseeee! Tara na nga. Alam ko gutom lang yan!

Jhey: Hahahahahaha.

Nasa canteen sila at sabay na naglunch. Eto na lang kasi yung oras na nag sasama sila, sa umaga bago mag start ang practice ni Jhey, sa tanghali kapag lunch time inaantay niya si Jhin at sabay na silang uuwi.

Jhey: Love?

Jhin: Hmm?

Jhey: Uuwi ako ng probinsiya sa weekend.

Jhin: Anong gagawin mo dun?

Jhey: Kakausapin ko lang si Mama. Malapit na kasi yung graduation ko. Kelangan andun siya. Tsaka gusto ko na rin silang makita dun.

Jhin: Hindi pa ba niya schedule dumalaw sa bahay ng papa mo?? Baka pwedeng dito na lang kayo magkita.

Jhey: Sadya ko rin kasi sina Lola at Carlo.

Jhin: Hmmm.

Jhey: Gusto mo, sumama ka na lang para di ka na ganyan eh.

Jhin: Baka kasi...

Jhey: Oo alam ko. Baka nandun si Sam. Eh hindi naman siya yung pinunta ko dun eh.

Jhin: Sama ako?

Jhey: Oo. Para may katabi akong maganda sa byahe. ^_^

Jhin: Hindi ba yun nakakahiya?

Jhey: Hindi no. Matutuwa si Mama. ^_^

Jhin. Oh sige.

Jhey: Ayan. Mag dala ka ng damit ha? Dun tayo matutulog.

Jhin: Okay. Sama ako.

Jhin's POV

Nung nag paalam si Jhey, malakas ang kutob ko, nasa probinsiya si Sam. Kapag umuwi si Jhey, malaki na naman yung tiyansa na magkita sila at mag usap na naman. Mas mabuti ng sumama ako, kahit nahihiya talaga ako. Ah basta! Bahala na.

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon