STILL LOVING YOU UNCONDITIONALLY
Jhey' POV
May bagong bukas na bar, at muling nag sama ang mag babarkada sa inuman. Simula nung bumalik si Jhey, ni minsan hindi siya nag explain o nag labas ng sama ng loob sa barkada niya. Ayaw niyang may isipin silang mali o hindi maganda kay Jhin. Kung may nasasabi man sila, dahil na rin ito sa nakikita nila pero kahit isang beses, hindi sila nag tanong kay Jhey. Nandiyan lang sila, naka alalay kapag alam nilang hindi na niya kaya.
Jhey: Cheers sya mahigit ishang taong walang inowman. ^__^
Halos hindi na maintindihan ang pinag sasabi ni jhey sa sobrang kalasingan nito.
Joy: Uyy. Jhey... :'( Tama na yan.
Jhey: Hihihihi. Nako. Wag kayo mag alala. Yakang yaka to! ^___^
Jan: Umuwi na tayo...
Jhey: Ang aga pa oh?! Uwian agad?
Jan: Ah Jhey kasi nagtetext na si mommy, tsaka si Joy nandiyan na yung sundo. Kaya tara na? Ihahatid na kita.
Jhey: Psh. Iwan nyu na lang ako dito. Kaya kong umuwi.
Jan: NO. JHEY PLEASE.
Jhey: Alright. Relaaax. Uuwi na nga oh. Hahahaha.
Nag senyasan silang tatlo na tatayo na para gumalaw na rin si Jhey. Si Jan na ang nag hatid sa kanya dahil may dala naman itong sasakyan. At magksama naman sina joy at jhem dahil may sundo si Joy at siya na rin ang mahahatid dito. Naka tingin si Jhey sa labas ng sasakyan, alam ni Jan na sobrang bigat na ng dinadala ng kaibigan niya.
Jan: Jhey.
Hindi ito sumagot, hindi rin ito gumalaw, parang wala lang siyang narinig pero hindi naman siya naka pikit.
Jan: Kapag kaya mo ng sabihin. Alam mong anytime, handang handa ako makinig.
Nag on ng music si Jan, binagalan ang pag mamaneho, at pinakikiramdaman ang kaibigan.
"Heartbeat fast.... Colors and promises... How to be brave.... How can I love when I'm afraid......." la la la la.. Ang kanta sa radyo ng sasakyan ni Jan. "I have died everyday waiting for you"......
Nakita niyang pumikit si Jhey. Naka kuyom ang mga kamao. Pinipigilan ang sarili, pero dahan dahan pa ring pumapatak ang luha. Pag dilat ni Jhey....
Jhey: I have love her for a thousand years.
Sumabay si Jhey sa kanta. Inihinto ni Jan ang sasakyan at hinayaang mag salita ang kaibigan.
Jhey: One step closer. Pero na delay ata ako.
Jan: Nakikinig ako.
Jhey: Ayokong paniwalaan yung nakikita ko. Yung naririnig ko. Yung nararamdaman ko. Gustong gusto ko siyang mag paliwanag, sabihing joke lang ang lahat ng to, na isang araw hihingi siya ng tawad at ipapa intindi sa akin tong lahat. Pero habang tumatagal, mas naniniwala na ako. Mas nasasaktan ako. Mas nababaon ako. Gustong gusto kong bumangon, pero sa araw araw na makikita ko silang magkasama, bumabalik ako sa umpisa. Kakayanin ko pa ba? Ngayong araw araw, makikita ko sila?
Jan: Jhey, hindi ko alam ang buong pangyayari kaya hindi ko alam kung anong dapat na sabihin. Pero please, take it easy. In time Jhey, mag hintay lang tayo.
Naihatid na siya ni Jan sa apartment niya, hindi na kasi siya umuuwi sa kanila. Pagka tapos niyang magpa salamat sa kaibigan, umuwi na rin ito at naiwan na naman siyang mag isa, nag iisip, nag mumuni muni, at buong gabi na namang iiyakan ang sakit na nararanasan niya.
Jhin's POV
Tatlong araw hindi pumasok si Jhey. Sobra siyang nag aalala.. Marami ring nangyari sa tatlong araw na absent ito, buti na lang at hindi yun nakita ni jhey. May isang subject sa TTH class na mag kaklase sila ni Sam, at sobrang badtrip niya lang dahil dito. Pero mas iniisip niya si Jhey kung bakit ba hindi na ito pumasok simula nung huling nagka usap sila sa tagpuan nila dati.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE
RomanceMy first story in wattpad. Kung may typo errors man ako, pasensiya na. Hahahaha. :) Sana magustuhan ninyo. Inspired story po ito. Sa makaka relate, THANKYOU! Sa maiinis, SORRY IN ADVANCE. ^_^ This is a story of a girl to girl relationship. Isang pag...